Mapapatunayan
ang katapatan ng isang kaibigan sa panahon ng pagsubok ng bawat tao. Dito
makikilala ang ugali nang sinuman dahil sa hirap na dinadaanan sa bawat
pagsubok. Tulad na lamang naming magkaibigan, ako at si Monica. Dito ko
napatunayan ang tibay ng aming pag kakaibigan.
Sa unang taon nang aming pag-aaral
sa hayskul ay nakilala ko si Monica. Si Monica ay nakapagtapos bilang isang valedictorian sa elementarya. Isa rin
siya sa mga kilalang estudyante dahil sa kanyang angking kagandahan. Naging mag
kaklase kami, siya ay naging kasama ko sa isang proyekto para sa isang
asignatura.
Di tulad ni Monica, ako ay
maiituring na napagbigyan lamang na makapagtapos ng elementarya. Hirap ako sa
pag-aaral, aminado ako roon. Di madali sa akin ang pag-intindi sa lahat nang
aralin na aming tinatalakay buhat pa noong ako ay bata pa. Bobo raw ako kung
biruin ako ng aking mga kaklase. At dahil dito, mas pinili kong mapag-isa kaysa
hamakin ako ng mga kaklase ko.
Isang araw, habang ako ay
nagmumunimuni sa aking takdang-aralin, kitang-kita, litong-lito ako nang may
isang dilag na lumapit sa akin. Inalok niya ako kung maaari niya ba akong
tulungan. Ako ay napatango lamang sa aking sagot, at di makapaniwalang may
taong tulad niyang ay nais tumulong sa akin. Dito nagsimula ang pagkakakilala
naming dalawa. Unti-unti kaming naging malapit at naging matalik na
magkaibigan. Nagbibigayan kami, tinutulungan niya ako sa aking mga asignatura
samantalang ako naman tumutulong sa kanya na mag-ensayo sa mga isports.
Matapos ang unang taon, nahilig ako
makinig sa heavy metal music. Dahil
dito, nakilala ko si Nathan. Siya ay mahilig din makinig ng heavy metal music. Kung iyong pagmamasdan
si Nathan, masasabi mong mas matanda siyang tingnan kaysa sa kaniyang edad.
Naninigarilyo, umiinom, nagpupuyat at halatang gumagamit ng ipinagbabawal na
droga. Dahil sa may koleksyon ako ng mga heavy
metal music lagi sumasama sa akin si Nathan upang makapaghiram at makakopya
ng mga ito. Wiling-wili akong panoorin siyang nakikinig ng mga tugtugin habang
gumagamit, sabay na sabay ang indak sa bawat bayo ng tugtog. Napapahanga ako sa
kanya, pakiramdam ko ay sobrang angas ang kaniyang dating. Minsan naiisip ko na
sana maging ka “cool” din ako tulad niya.
At dahil sa pagnanais kong iyon,
naiisipan kong subukan, ang mga ginagawa ni Nathan. Sinimulan ko sa pagtikim ng
sigarilyo, paubo-ubo sa simula hanggang sa makasanayan na ito. Nang masanay na
dito inalok ako ni Nathan na tikman ang damo. Unang hithit pa lang tila
nakalimutan ko na aking mga problema, pamilya at pag-aaral. Dahil dito
unti-unti kami nag kalayo ni Monica.
Noong unang beses ako nakita ni
Monica naninigarilyo ay binalewala lang niya. Ngunit noong madalas na niya ako
makita naninigarilyo, siya ay nag-alala. Isang beses nakita niya akong
gumagamit ng bato pilit niya ako pinapatigil. Makailang beses din ako
pinagsabihan ni Monica. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga masasamang epekto ng
paggamit nito. Tila isang bingi, di ako nakinig sa kanyang mga payo. Patuloy
kong ginawa ang paggamit ng damo. Minsan hindi lamang damo ang aming ginagamit
ngunit mas matapang pa kung minsan.
Unti-unti kong napabayaan ang aking
pag aaral. Ang aming pinaghirapan ni Monica noong unang taon ay nasayang.
Natanggal ako sa aming paaralan dahil nahuli nila si Nathan na may dala at
dinamay ako. Tinakwil ako ng aking mga magulang dahil hindi nila matanggap na
ako nalulong sa bisyo. Kahit sa mga pinagdaanan kong mga iyon, di ko pa rin
maalis sa akin ang pagnanais na gumamit na ipinagbabawal na gamot. Hanggang sa
ako ay nagkasakit.
Nagkasakit ako sa baga. Humina ang
aking kalusugan at halos sa bingit na nang kamatayan. Sa lahat ng aking
pinagdaanan, ang taong nagdala sa akin sa pagkalulong sa bisyo ay di na
nagpakita. Kahit na itinuring ko siyang kaibigan, dinamayan sa kanyang bisyo,
iniwan niya ako oras nang aking pangangailangan. Iisang tao lamang ang hindi
sumuko at nang-iwan sa akin, ioon ay si Monica.
Kahit na may karamdaman na ako,
patuloy pa rin akong gumagamit. Hanggang sa isang araw natiyempuhan ako ni
Monica na humihithit ng sigarilyo sa isang kanto na malapit sa kanilang bahay.
Pilit niyang inaagaw sa akin ang hawak kong sigarilyo. Di maiwasan, natulak ko
siya. At sa aking pagkakatulak, siya ay napaatras at nahagip ng isang
rumaragasang sasakyan. Agaw buhay siya nang oras na iyon. Nadala ko siya sa
pinakamalapit na ospital kung saan siya binigyan nang paunang lunas. Sa sobrang
laki nang aking pagsisisi, aking ipinangako sa Diyos at sa kanya na ako ay
magbabago maligtas lamang ang kanyang buhay. Tinigil ko ang lahat nang aking
bisyo at naiisipang bumalik sa dating buhay. Nagsumikap na makabalik sa
pag-aaral sa ibang paaralan. Lagi nasa isip ko na alay ko ang aking buhay sa
aking matapat na kaibigan na si Monica.
Aking natapos ang kursong medisina
sa tanyag na paaralan nang Unibersidad ng Pilipinas. Nakabilang ako sa
tumanggap nang parangal ng ako ay makatapos. Nakapagtrabaho ako bilang isang
doktor sa isang kilalang ospital sa lungsod ng Muntinlupa. Patuloy pa rin ang
aming pagkakaibigan ni Monica. Higit pa sa magkapatid ang aming turingan. Lubos
akong nag papasalamat na di siya sumuko sa pagtulong at pag-apay sa akin.
Kaya mga apo ko, importante
makahanap kayo nang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan sa kahit ano mang iyong
pagdaraanan. Tulad nang lola Monica ninyo, walang sawa siyang umagapay sa akin
ng mga panahon sa aking pangangailangan. Natuto akong magmahal dahil sa mga
halimbawang ipinakita niya at nais ko sa kanya ibuhos ang pagmamahal na aking
natutuhan.
No comments:
Post a Comment