Monday, September 3, 2012

Donn Mitchell Alamares Almera

Name: Donn Mitchell A. Almera

Interests: I like to eat, I love to swim, I like siesta, Playing the guitar!!

Courses I applied for: Human Resource Management, Economics, Civil Engineering


Dream School: Ateneo, DLSU

Reflection:


Napakasaya ng unang termino ng Filipino. Mas madali maintindihan ang Filipino dahil 



magaling ang guro! Pinagsasama ng guro ang kasayahan at pag seryoso pag diskusyon na


Mas nakakagana din mag aral kapag nakakatawa ang guro, at pag ka "vibe" mo ang guro. 



Ang pinakamasaya ang dulaan. Dahil sa dula naging malapit ang Sr-A sa isa't isa, at mas 



lumakas ang pagkakaibigan.

Cristina Almeda



Pangalan: Cristina Almeda

Mahilig akong ilipas ang oras kasama ang pamilya ko. Mahilig akong sumubok ng mga bagong bagay tulad 


ng skateboarding, wakeboarding, ice skating, etc. 

Kursong gusto ko sa kolehiyo: Business Management, Fashion design o Culinary

Ang gusto kong pasukan: La Salle


Ang unang termino sa Filipino class ay naging masayang karanasan sa pag-aaral. Natutunan namin ang 


Retorika at Pagtapat ng Kasanayan. Nagkaroon din kami ng dula bilang OP namin bilang isang kklase. 

Ang dula ay nakatulong sa pagiging mas malapit namin sa isa't isa at naka-bond pa kami. Marami kaming 

natutunan tungkol sa bawat isa at kung paano kausapin at kaibiganin ang lahat.

Ang panghuling pankatang gawain sa Unang Termino!!

Ngayong linggo ay ang aming mga huling pagsusulit sa unang termino, pero ngayong araw ay wala pa. Mga kinailangan lamang tapusiin ang mga ipinaggagawa sa amin. Kinuha ni Sir Henry ang oras namin kaninang umaga sa English para matapos namin ang huling pangkatang gawain ngayong termino.

Itong pankatang gawain namin na ito ay ginawang isang laro. Kaming mga pangkat ang maglalaban. Ang gagawin namin ay magsalin ng mga pangungusap sa Ingles at isalin sa Filipino, pero sa kakaibang paraan. Itetext namin ang mga sagot namin kay Sir Henry!

Nakalimutan ko na ang mga isinalin namin... Pero ang isa ay "You're not fit to be a person!" pagsinalin, "Hayop Ka!" (Thank you, Brandon!)

Dalawa kaming grupo nakakuha ng pinakamataas na puntos. Pareho kaming naka-17 na puntos. Ang pinakamataas, well, mga pinakamataas ay makakakuha ng 20/20. Ang pangalawa ay 18, pangatlo ay 16, pang-apat ay 14, panglima ay 12, at panghuli ay 10. Buti nalang wala sa klase ang naka-10, ang ibig sabihin, walang pumalpak! :))

Sunday, September 2, 2012

Baybayin gawain pagkatapos nasuspende ang klase :)

"Sa isang madilim na gubat"

Ito ang parte ng grupo namin sa tula na isusulat sa baybayin ng buong klase.
Ang grupo namin ay nakakuha ng 20/20, ang pinakamataas na marka, at naging Top 5 na baybayin ang nagawa namin kabilang na ang ibang nagawa ng mga taga ibang seksyon! :)

K-12: Pro vs Anti Debate ng Senior-A

Sa tingin namin, isa ito sa mga sobrang masaya at seryoso na sabay na pankatang gawain. Hiniwalay kami sa dalawang malaking grupo. Ang pangkat 1, 2 at 3 ay isang grupo, at 4, 5 at 6 sa kabilang grupo.

Ang grupo namin ay Pro-K12 at ang kabila ay Anti-K12.

Lahat ng mga kaklase namin ay may mga magagandang argyumento tungkol sa paksang ito. Pero ang hinahanap ni Sir Henry ay ang nilalaman ng mga argyumento namin. Sa huli, ang grupo namin ang nanalo at nagkaroon ang lahat ng grupo sa malaking pangkat namin ng 20/20, habang ang kabilang grupo ay nakakuha ng 19/20.

Ang premyo ng pagkapanalo sa debate ay plus points sa aming pagsusulit.

Prayoridad: Noon at Ngayon

 NOON: Inatake si Brandon, at nag-aalala sina Simon at si Donn. Dinala nila si Brandon sa ospital.
 NGAYON: Inatake si Brandon, sabi ni Donn, "Idaan nalang sa tubig!"
 NOON: Nagdadasal sina Tina at Donuel sa Mahal na Araw (Holy Week)








NGAYON: Tuwing Mahal na Araw, nasa Boracay silang dalawa at nagsisiyahan na lamang at hindi na nagdadasal.


Ito ay isa pa sa mga naging malitt na dula namin. Lahat ng mga grupo ay nagkaroon ulit ng pinakamataas na marka na 15/15! 

Simon Benedict Altamirano Cuna

Pangalan: Simon Benedict Altamirano Cuna

Tungkol sa aking sarili: Mahilig ako sa Ice Cream! Mahilig din akong magluto ng pagkain. Tumutugtog ako


 ng biyolin. Isa akong responsableng estudyante.

Kurso gusto kong kunin: BS Legal Management


Reflection about what we learned in filipino class: Marami akong napulot na mga bagay sa Filipino subject 


namin. Ang mga paksa naming tinalakay ay tungkol sa retorika at ang mga elemento nito gaya ng iba't ibang 

Estilo ng retorika at iba pa. Tinuruan kami kung paano makipanayam (interview) ng tamang paraan. Tinuruan

 din kaming sumulat ng makatotohanang maikling kwento. Sa kasalukuyan, kami ay tinuturuang magsalin ng 

wika sa filipino ng tamang paraan. Ang mga pinag-aralan namin ay hindi lang para sa loob ng eskwelahan 

kung hindi sa totoong buhay rin. Salamat sa walang sawang suporta ng aming guro!

Edmar Leanver Perez Daniel

Pangalan: Edmar Leanver Perez Daniel

Petsa ng kapanganakan: Agosto 7, 1995

Batch 2013

Course: Business Major o Psychology

Hobbies: Pagkanta, Sumayaw, Magsulat, Magbasa, Mag-aral.

Dislikes: Bullies, backstabbers, a lot of school work

Ako ay si Edmar Daniel, nag-aral ako sa Zobel mula ako ay 4 na taon pa lamang at nag-umpisa ako sa 


Junior Prep (Loyalty Award, YAY!!) Ako ay mahilig sumayaw, kumanta at magsulat na kung anu-ano. Ako 

ay parte ng Zobel Dance Crew at ng Ultimate Animo. Ang natutunan ko sa Filipino ay ang mga iba't ibang

 parte ng pagsulat o ang mga iba't ibang paraan nang pagpapakita ng Rhetorika. Ang Filipino class ay 

masaya para sa akin kasi ang mga ipinigagawa sa amin ay nakatutulong sa pag-bonding ng klase at 

pag-cooperate para makakuha kaming lahat na mataas na marka.

Donuel Angelo Sta. Ines Ambat

Donuel Angelo Sta. Ines Ambat

Mahilig ako sa paglaro sa kompyuter, tumambay kasama ng mga kaibigan, pumunta sa malalayong lugar.

Ang gusto kong kurso sa kolehiyo: Political Science and/or Chemical Engineering sa University of the 

Philippines - Diliman

           Nakakatulong ang Filipino na gawing madali ang mga pag aaral dahil sa mga larong ipinapagawa at 


paguusap sa mga kaklase. Hindi masyadong makakatulong ang puro presentation maganda din kung nag 

uusap-usap ang mga mag aaral upang maintindihan ito. Ang aking guro na si Ginoo Henry Magahis ay hindi 

pumapayag na maging hindi masaya ang kanyang klase dahil gusto niya matuto kami sa masayang paraan at 

hindi mawalan ng konsetrasyon.

            Ako ay natutuwa dahil hindi ako nawawalan ng konsentrasyon sa pag aaral sa Filipino dahil Masaya 

ito dahil sa mga gawaing ipinapagawa. Kung ayoko ang pinag aaralan basta kayang gawin ng guro na mas 

maganda tutunan hindi ako tatamarin. 

Brandon Mari Sardea Cuenca



Profile:

Name: Brandon Mari Sardea Cuenca

Age: 17

Birthday: February 10, 1995

Batch 2013

Interest: billiards, boxing, games, driving, & other more

Course: I want aeronautics

Dislike: shrimp, squid, people who are mayabang.

Reflection:

Natuto ko sa Filipino ay ang salitang Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay isang tagapagsalita sa publiko. 

Maraming paraan para makapagsalita sa harap ng mga tao.  Ang Retorika ay may maraming element tulad 

ng paksa, kaayusan ng mga bahagi, estilo, kaalamang kapwa taglay, at paglilipat ng mensahe. Ang pinaka 

mahirap na proseso ang pag pili n gating paksa pero may mga bagay na makakatulong satin makapili n gating 

paksa tulad ng Encyclopedia, diksunaryo, almanac, at marami pang iba. Meron ding isa pang paraan na 

pwede kumuha ng impormasyon ang pakikipagpanayam.

Helmet ni Tina Almeda

          Isang magandang gabi nang kami ay kumakain sa bahay ng aking ninong. Kadalasan ay kumakain kami palagi ng aking nobyo sa aming bahay ngunit abalang-abala ang aking nanay sa kanyang trabaho. Ang pangalan ng aking nobyo ay si Miggy, limang taon na kaming nagsasama at talagang matibay ang aming samahan. Ako nga ay talagang nag-aalala na sa aking nanay dahil medyo matanda na siya at highblood pa. Dahil wala kaming makakainan tinanong ko agad ang aking malapit na tito kung pupwede kaming maghapunan sa kanilang bahay.

          Masaya kaming nagkukwentuhan ng aking ninong at talagang natatawa kami sa kanya dahil sa kanyang palabirong pananalita.  Sarap na sarap kami ni Miggy sa espesyal na luto ng aking ninong ng kare-kare. Tamang-tama lang ito dahil kaming dalawa ay pagod galing trabaho.Palagi kong kinakamusta ang aking ninong dahil namayapa na ang kanyang asawa na si Ninang Marcelo. Palagi lang sagot ng aking ninong ay,

          "Ayos lang..."

          Habang nasa kalagitnaan ng maganda at katatawanan na usapan ay biglang tumunog ang aking telepono...

          "Tina, ako ito, ang kaibigan ng nanay mo. Inatake ang nanay mo at itinakbo na sa ospital ng Cubao!"

          Nang marinig ko iyon ay agad-agad kaming nagmadali ni Miggy para puntahan ang aking nanay sa ospital. Heto na nga ba ang kinakatakutan ko e. Nang kami ay nakasakay na sa motor ni Miggy, naiwanan pa namin ang aking helmet kaya't siya lang ang nakasuot ng helmet. Nang kami ay napalayo na, biglang sabay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Nang kami ay tumatakbo sa bilis na 120 sa may highway ay basang-basa na ngunit hindi lang namin ito pinansin, tnanong ako bigla ni Miggy,

          "Tina... Mahal mo ako hindi ba?

Sumagot agad ako ng pasungit,

          "Oo naman! Anong klaseng tanong yan sa ganitong sitwasyon?"

At heto ang sinabi ni Miggy,

          "Sige, kung mahal mo talaga ako, alisin mo ang aking helmet at ikaw ang magsuot."

At dali-dali ko namang isinuot ang helemt at nagtataka ako kung bakit niya ipinagawa sa akin iyon. Nang dumaan ang ampung segundo,bigla kaming naaksidente. Tumilapon kaming dalawa sa kalye at grabe ang aming natamo. Kami itong dadalaw sa ospital, kami rin ang naging pasyente ng ospital. Nang nasa ospital na ako, nalaman ko na nasa mabuting kalagayan na ang aking ina, at agad-agad kong hinanap si Miggy, at anbalitaan ko na lang na siya ay masyadong nasaktan sa pagkakabundol at iyon ang kanyang ikinamatay. Nang matapos ang imbestigasyon sa insidente, nalaman nila na nawalan ng preno ang motor naming sinasakyan.

Saturday, September 1, 2012

Tinig ng Buhay ni Edmar Daniel


                       Napapaisip ka ba na ano ang pwede mong gawin sa iyong buhay?  Kung ano ang gusto mong mangyari. Kung kumanta, sumayaw, mag-artista, magtinda, at kung ano pa. Ito ang kwento ng isang dalaga na ang pangalan ay Bituin. Galing siya sa mahirap na pamilya. Pero kahit na mahirap lamang siya, nakakapag-aral sa isang pribadong paaralan dahil sa kanyang katalinuhan. Marami nga lamang ang walang alam na siya ay magaling ding kumanta.

                        Sinasabi sa kanya ng kanyang magulang na huwag munang unahin ang pag-awit kundi ang pag-aaral kasi importante na makatapos siya ng eskwela para matulungan ang kanyang pamilya. Mga kapatid niya na sina Luna, Maria o Mars, Jose o Jo, Crisostomo o Cris at Lorenzo o Enzo at ang mga magulang na sina Luciana at Mark. Suportado nilang lahat ang kanilang panganay na kapatid sa kanyang pag-aaral at paghilig sa musika, lalo na sa pagkanta. Noong una ay hindi pa alam ng pamilya ni Bituin na siya ay marunong umawit, lalo’t magaling ang kanyang pag-awit. Pero palagi nilang sinasabi na ang pag-aaral muna ang unahin bago ang musika. Kaya habang hindi alam ng mga magulang, umaalis ng sikreto si Bituin para kumanta sa mga karaoke na malapit sa kanila.

                        Lumipas ang ilang buwan at tuluyan pa ring lumalabas si Bituin para lang makakanta sa harap ng mga tao. Pero nung isang gabi, may nakita siyang patalastas sa telebisyon tungkol sa audition sa isang singing competition, ang “The X Factor”. Malaki ang perang mapapanalunan kung siya ang mananalo. Kaya naisipan ni Bituin na sumali pero hihingi muna ng pahintulot galing sa mga magulang, tutal, kakatapos lang ng pasukan at ngayo’y bakasyon na sila. Nang kinausap na niya ang kanyang pamilya, ang sabi nila,

            “Anak, sigurado ka bang ito ang gusto mong gawin?” tanong ng kanyang ina.
            “Opo, inay. Gusto ko pong sumali. Kung manalo po ako, yung mapapanalunan ko pong pera ay makakatulong po talaga sa ating lahat!!” masayang sinabi ni Bituin.
            “Magkano ba ang mapapanalunan?” tanong ng ama.
            “PHP 4,000,000 (apat na milyong piso) po.”
            “ANO?!?!?!” magulat na isinagot ng magulang at mga kapatid.

            Sa katapusan ng kanilang pag-uusap ay pumayag din ang magulang at pumunta sila sa Maynila para makapag-audition si Bituin. Nang dumating sa lugar kung saan kakanta si Bituin, nagulat silang lahat kasi ito ang unang beses nilang makapunta sa Maynila, dahil galing sila sa probinsya ng Batangas. Pumila si Bituin sa karami-raming gusto ring manalo sa programang ito. Humigit-kumulang 1000 na katao ang pumunta para ipakita sa mga hurado na sila ay karapat-dapat na makasali sa X-Factor. Ang mga huradong sina Gary V., Charice, Martin Nievera at si Pilita Corrales. Naghintay sa likod ng entablado ang buong pamilya ni Bituin kasi siya ang huling kakanta para sa mga hurado. Kinakabahan siya, pero sabi niya na kakayanin niya ito para sa kanyang pamilya. Nang siya na ang tinawag,

            “Hello hello!! Kumusta ka na??” maligayang bati ng host na si KC Concepcion.
            “Ok lang naman po!”
            “Ano pangalan mo?” tanong ni KC.
            “Bituin Karunungan po…”
            “At bakit naman napasali ka sa X-Factor?”
            “Para po matulungan ang pamilya ko.”
            “Ok sige, good luck!!”

Pagkadating sa entablado, sa harapan ng mga hurado, si Bituin, agad siyang binati.

            “Hello!! Ano pangalan mo, ija?” tanong ni Pilita.
            “Bituin Karunungan po.”
            “At isa ka nga namang magandang bituin, hindi nga ba?” bati ni Gary.
            “Salamat po!!”
            “Ano ang kakantahin mo ngayong araw na ito?” tanong ni Charice.
            “Love The Way You Lie Part 2 po ni Rihanna.”
            “Good Luck!!” sagot ng mga hurado.

            Nang kumanta si Bituin, hindi napigilang umiyak ang ama’t ina niya dahil alam na nila na seryoso na siya para matulungan sila. Pagkatapos niyang kumanta, lahat ng mga manonood, tumayo at pinalakpakan siya, pati na ang mga hurado.
           
            “Ang galing-galing mo, Bituin!!!” maligayang sinabi ni Pilita.
            “Yun na ata ang pinakamagandang bersyon na aking narinig” bati ni Gary.
            “Pwede mo ba ako maging Front Act???” masayang itinanong ni Martin.
            “Tito Martin, gusto mo maging Front Act, pwede mo ba ako maging Guest?” tanong ni Charice.
            “THANK YOU PO!!!
            “Ako, gusto ko back-up singer!!” masayang idinagdag ni Pilita.
            “Ok lang basta ako ang magiging direktor!!” sabi ni Gary.
            “SALAMAT PO TALAGA!!!”
            “1… 2… 3… YYYYYEEEEEESSSSSS!!!!!!” isinigaw ng mga hurado.

            Nagsiyahan ang lahat ng mga manonood pati na ang pamilya at si KC na nasa likod. Nakapasok si Bituin!! Tumakbo siya papunta sa likod at agad na niyakap siya ng kanyang pamilya at ni KC.

            “CONGRATULATIONS!!! Pasok ka!!!” maligayang bati ni KC.
            “Salamat po!!”
            “Welcome to Boot Camp!! Handa ka na ba para sa mga susunod na araw?” tanong ni KC.
            “Handang-handa na po!!” sinasabing paiyak ni Bituin.

            Nung mga sumunod na araw, parte ng Boot Camp si Bituin at napili siya bilang isa sa limang babae na makakapunta sa Judges’ Homes. Dito nila nalaman na ang magiging guro/mentor nila ay si Charice. Pagkatapos nilang kumanta sa harapan ni Charice at ni Cheesa, isang kalahok ng “The Voice” sa Amerika, nahirapan ang dalawang hurado ng pagpili ng tatlong babae na makakapasok sa “live show”. Pero sa huli, si Bituin ay napili na maging parte ng “live show” at makakakanta siya sa harapan ng buong mundo.

Ang Tunay na Kaibigan ni Donuel Ambat


            Mapapatunayan ang katapatan ng isang kaibigan sa panahon ng pagsubok ng bawat tao. Dito makikilala ang ugali nang sinuman dahil sa hirap na dinadaanan sa bawat pagsubok. Tulad na lamang naming magkaibigan, ako at si Monica. Dito ko napatunayan ang tibay ng aming pag kakaibigan.
            Sa unang taon nang aming pag-aaral sa hayskul ay nakilala ko si Monica. Si Monica ay nakapagtapos bilang isang valedictorian sa elementarya. Isa rin siya sa mga kilalang estudyante dahil sa kanyang angking kagandahan. Naging mag kaklase kami, siya ay naging kasama ko sa isang proyekto para sa isang asignatura.
            Di tulad ni Monica, ako ay maiituring na napagbigyan lamang na makapagtapos ng elementarya. Hirap ako sa pag-aaral, aminado ako roon. Di madali sa akin ang pag-intindi sa lahat nang aralin na aming tinatalakay buhat pa noong ako ay bata pa. Bobo raw ako kung biruin ako ng aking mga kaklase. At dahil dito, mas pinili kong mapag-isa kaysa hamakin ako ng mga kaklase ko.
            Isang araw, habang ako ay nagmumunimuni sa aking takdang-aralin, kitang-kita, litong-lito ako nang may isang dilag na lumapit sa akin. Inalok niya ako kung maaari niya ba akong tulungan. Ako ay napatango lamang sa aking sagot, at di makapaniwalang may taong tulad niyang ay nais tumulong sa akin. Dito nagsimula ang pagkakakilala naming dalawa. Unti-unti kaming naging malapit at naging matalik na magkaibigan. Nagbibigayan kami, tinutulungan niya ako sa aking mga asignatura samantalang ako naman tumutulong sa kanya na mag-ensayo sa mga isports.
            Matapos ang unang taon, nahilig ako makinig sa heavy metal music. Dahil dito, nakilala ko si Nathan. Siya ay mahilig din makinig ng heavy metal music. Kung iyong pagmamasdan si Nathan, masasabi mong mas matanda siyang tingnan kaysa sa kaniyang edad. Naninigarilyo, umiinom, nagpupuyat at halatang gumagamit ng ipinagbabawal na droga. Dahil sa may koleksyon ako ng mga heavy metal music lagi sumasama sa akin si Nathan upang makapaghiram at makakopya ng mga ito. Wiling-wili akong panoorin siyang nakikinig ng mga tugtugin habang gumagamit, sabay na sabay ang indak sa bawat bayo ng tugtog. Napapahanga ako sa kanya, pakiramdam ko ay sobrang angas ang kaniyang dating. Minsan naiisip ko na sana maging ka “cool” din ako tulad niya.
            At dahil sa pagnanais kong iyon, naiisipan kong subukan, ang mga ginagawa ni Nathan. Sinimulan ko sa pagtikim ng sigarilyo, paubo-ubo sa simula hanggang sa makasanayan na ito. Nang masanay na dito inalok ako ni Nathan na tikman ang damo. Unang hithit pa lang tila nakalimutan ko na aking mga problema, pamilya at pag-aaral. Dahil dito unti-unti kami nag kalayo ni Monica.
            Noong unang beses ako nakita ni Monica naninigarilyo ay binalewala lang niya. Ngunit noong madalas na niya ako makita naninigarilyo, siya ay nag-alala. Isang beses nakita niya akong gumagamit ng bato pilit niya ako pinapatigil. Makailang beses din ako pinagsabihan ni Monica. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga masasamang epekto ng paggamit nito. Tila isang bingi, di ako nakinig sa kanyang mga payo. Patuloy kong ginawa ang paggamit ng damo. Minsan hindi lamang damo ang aming ginagamit ngunit mas matapang pa kung minsan.
            Unti-unti kong napabayaan ang aking pag aaral. Ang aming pinaghirapan ni Monica noong unang taon ay nasayang. Natanggal ako sa aming paaralan dahil nahuli nila si Nathan na may dala at dinamay ako. Tinakwil ako ng aking mga magulang dahil hindi nila matanggap na ako nalulong sa bisyo. Kahit sa mga pinagdaanan kong mga iyon, di ko pa rin maalis sa akin ang pagnanais na gumamit na ipinagbabawal na gamot. Hanggang sa ako ay nagkasakit.
            Nagkasakit ako sa baga. Humina ang aking kalusugan at halos sa bingit na nang kamatayan. Sa lahat ng aking pinagdaanan, ang taong nagdala sa akin sa pagkalulong sa bisyo ay di na nagpakita. Kahit na itinuring ko siyang kaibigan, dinamayan sa kanyang bisyo, iniwan niya ako oras nang aking pangangailangan. Iisang tao lamang ang hindi sumuko at nang-iwan sa akin, ioon ay si Monica.
            Kahit na may karamdaman na ako, patuloy pa rin akong gumagamit. Hanggang sa isang araw natiyempuhan ako ni Monica na humihithit ng sigarilyo sa isang kanto na malapit sa kanilang bahay. Pilit niyang inaagaw sa akin ang hawak kong sigarilyo. Di maiwasan, natulak ko siya. At sa aking pagkakatulak, siya ay napaatras at nahagip ng isang rumaragasang sasakyan. Agaw buhay siya nang oras na iyon. Nadala ko siya sa pinakamalapit na ospital kung saan siya binigyan nang paunang lunas. Sa sobrang laki nang aking pagsisisi, aking ipinangako sa Diyos at sa kanya na ako ay magbabago maligtas lamang ang kanyang buhay. Tinigil ko ang lahat nang aking bisyo at naiisipang bumalik sa dating buhay. Nagsumikap na makabalik sa pag-aaral sa ibang paaralan. Lagi nasa isip ko na alay ko ang aking buhay sa aking matapat na kaibigan na si Monica.
            Aking natapos ang kursong medisina sa tanyag na paaralan nang Unibersidad ng Pilipinas. Nakabilang ako sa tumanggap nang parangal ng ako ay makatapos. Nakapagtrabaho ako bilang isang doktor sa isang kilalang ospital sa lungsod ng Muntinlupa. Patuloy pa rin ang aming pagkakaibigan ni Monica. Higit pa sa magkapatid ang aming turingan. Lubos akong nag papasalamat na di siya sumuko sa pagtulong at pag-apay sa akin.
            Kaya mga apo ko, importante makahanap kayo nang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan sa kahit ano mang iyong pagdaraanan. Tulad nang lola Monica ninyo, walang sawa siyang umagapay sa akin ng mga panahon sa aking pangangailangan. Natuto akong magmahal dahil sa mga halimbawang ipinakita niya at nais ko sa kanya ibuhos ang pagmamahal na aking natutuhan.
            

Search-In Dula

Ang unang nagawa namin bilang isang pangkat sa klase ang pagdudula sa mga binigay na sitwasyon ng aming  guro na si G. Henry Leen Magahis.

Binigyan kami ng sitwasyon na kung sasali daw kami sa organisasyon na Search-In, ipaliwanag kung bakit kami ang karapat-dapat na mapili kasi kaunti lamang ang pagpipilian na magiging retreatant.

Medyo nagkagulo kami nung una, pero nag-improvise na lang kami kasi wala na talaga kaming maisip na magawa. Ang nabuo namin na maliit na dula ay nakapag-bigay sa pangkat namin ng marka na 12/15. Ok na rin sa amin iyon, pero sinabi namin sa isa't isa na kailangan naming bumawi!! :))

Sipag at Tiyaga ni Simon Cuna



Ang pagiging matagumpay sa buhay ay hindi palaging nasusukat sa kasikatan, sa talino, galing sa mga isports, pagkakaroon ng mga gantimpala at iba pa. Sa maliit at simpleng bagay, maari nating ipagmalaki ang ating mga sarili. Ako si Manny, isang simpleng bata na may isang kahilingan sa buhay, sana’y mai-angat ko na ang aking pamilya sa kahirapan. Ako’y labintatlong taon na, ngunit nasa ika apat na taon ng elementarya lamang ako dahil hindi ako kayang buhayin ng aking sariling ama. Ako ay ulila sa aking ina noong limang taong gulang pa lang ako. Si tatay ay may dalawang anak sa ibang babae na kabit pala ng aking ama noong buhay pa si inay. Mas binibigyang pansin ng aking ama ang iba niyang mga anak. Para akong isang alila kung tratuhin nila. Porket nawala na si inay ay mas pahahalagahan niya ang kanyang pangalawang pamilya. Ang bahay namin ay nakatayo sa lupa ng mga magulang ni inay. Kay inay yun at hindi para sa ibang babae! Pero, dito na rin nakatira ang pangalawang pamilya ni tatay. Ako ang naging katulong nina itay: tagalinis ng bahay, taga-laba ng mga damit nila, taga-hugas ng mga pinagkainan nila, nagpapakain at nag-aalaga ng aming alagang baboy. Lahat iniuutos sa akin, lahat ng kahirapan ay binibigay sa akin. Ang mga edad naman nina Jerry at Lia ay di kalayuan sa akin. Bakit hindi nila ako tulungan? Alam ko mga kapatid ko sila sa labas, ngunit buong buhay ko ay di nila ako nirerespeto at tinatratong kapatid, di nila ako kayang tawaging “kuya” man lang! Lecheng buhay ito! Si Jerry ay labing dalawang taonng gulang at nasa ika anim na taon ng elementariya na siya. Si Lia naman ay sampung taong gulang at nasa ika apat na taon ng elementaria na siya. Hirap na hirap na ako sa buhay ko. Minsan nga ay tinatanong ko sa sarili ko kung pano ko napagsasabay ang pag-aaral, trabaho at mga emosyon ko sa buhay. Dumarating sa punto na gusto ko nang itigil ang pag-aaral ko dahil parang hindi ko talaga kaya lalo na kung ganito ang aking mga pinagdadaanan. Napakahirap ng aking sitwasyon. Estudyante, trabahador, utusan pa na may sirang pamilya, walang kakampi sa bahay, lahat ng kamalasan na pwedeng mangyari sa isang anak ay nasa akin!
Araw-araw, ako ang unang nagigising sa bahay. Alas tres palang ng madaling araw ay gising na ako upang maka-igib ng tubig sa kabilang barrio. Dalawang timba ang dinadala ko at kailangan kong bumalik doon ng halos apat na beses para meron kaming panligo, panlaba, panghugas ng mga pinggan, panlinis at iba pa. Kung tutuusin ay kulang pa nga ang walong timba ng tubig sa isang araw. Pagkatapos mag-igib ng tubig ay maghahanda na ako para sa almusal naming lahat. Minsan ay dadayo pa ako sa palengke kung may kulang na kasangkapan. Pagkaluto ko ay paliliguan ko ang aming alagang baboy at pakakainin ng kanyang almusal. Pagkatapos mag-alaga ng baboy, ay magwawalis pa ako ng saglit sa loob at labas na bahay. At pagkawalis ko ay palaging sakto sa pagtapos ng almusal nila. Kung ano ang matitira sa kanilang pagkain ay ang almusal ko. At pagkatapos nun eh ako pa ang maghuhugas ng mga pinggan. Akalain mo yun? Sila na nga ang nagpakasarap-buhay, sa akin ibubuhos lahat ng hirap! Pagkatapos ng lahat ng mga gawain ay maliligo ako at magpapahinga ako ng halos isang oras lamang mula alas-otso ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga. Ang aking ama ay tagasukat ng lupa. Madalas niya akong sinasama pagkatapos ng aking trabaho sa bahay upang magkaroon siya ng katulong. Nagsusukat kami mula alas-diyes hanggang alas-dos ng hapon. Pagkauwi, doon palang ako makakapag-aral. Wala na talaga akong oras para mag-aral ng mabuti. Mahigit kalahating oras ang binabiyahe ko mula bahay hanggang paaralan. Ang klase ko ay nagsisimula ng alas-quatro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi. Nakakauwi na ako ng alas-otso ng gabi at maghuhugas pa ng pinggan at magpapakain ng alagang baboy para sa kanyang hapunan. Nakakatulog na ako pagtapos ng mga gawaing yan dahil sa sobrang pagod kaya wala na akong oras sa pag-aaral ko.  
Isang araw, nagpakalayo ako. Hindi na ako nagpaalam sa aking ama, kasi alam ko pagbabawalan nila akong mamasyal at maggala, gusto nila akong magtrabaho lang at mag-asikaso ng gawaing bahay. Hindi na ako nakinig. Biruin mo, halos walong taon na akong walang kalayaan? Pumunta ako sa tabing dagat upang makapagpahinga, mag-isip, at makahanap ng kapayapaan. Tuwang-tuwa ako at parang nakakonek uli ako sa kalikasan. Nakatulog ako sa tabing dagat at napanaginipan ko ang mga paalala ng aking ina sa akin noong bata pa ako. Palagi niyang sinasabi sa akin noong buhay pa siya, na dapat maging magalang akong anak, mag-aral ng mabuti para sa aking kinabukasan, mahalin ang pamilya at ang Diyos. Kapag pinagsama-sama mo itong lahat, magtatagumpay ka sa buhay. Palagi niyang sinasabi na mahal tayo ng Diyos kahit anong mangyari at sa lahat ng kahirapan na nararanasan natin ay may kapalit na mabuting grasya. Nagising ako noong palubog na ang araw. Napangiti ako at nakita ko na pwede pa pala akong magbago, at dapat kong tingnan ang mga bagay sa magandang paraan. May pag-asa pa pala ako maging matagumpay sa aking buhay eh, kailangan ko lang baguhin ang dati kong ugali. Bukas ay Linggo, hihingi ako ng tulong sa aking mahal na Ama sa Langit. Ibabalik ko ang aking pananampalataya sa kanya para makilala ko uli ang aking sarili.
Tuwing gigising ako sa umaga, hindi na ako sisimangot, maninisi ng iba, at tatamarin sa kahit anong bagay. Naisip ko na kung ngayon ko babaguhin ang aking sarili ay mas masisiyahan ako sa buhay ko. Tuwing nagtatrabaho ako, iniisip ko nalang na lahat ng ito ay para sa aking ina na nagbigay sa akin ng inspirasyon. Kahit maltratuhin nila ako sa bahay, importante na wala akong ginagawang masama sa kanila at ako ay mayroong mabuting intensyon. Naging mabuti ang pakikitungo ko sa pamilya ng aking ama, at dahil natutunan kong mahalin ang mga ginagawa ko sa buhay, mas nagkakaroon ako ng motibasyon at inspirasyon mag-aral. Sinusulit ko ang kada minute ko sa araw-araw, kung dati ay tatamad-tamad akong gumawa ng gawaing bahay, ngayon ay mas sinisipag ako para magkaroon ng maraming oras at para ma bigyan prayoridad ang aking pag-aaral. Naniniwala ako na ang edukasyon ay ang pinakamahalagang regalo ng atin mga magulang. Kahit ganito ang aking siwasyon, nagpapasalamat ako dahil pinapaaral parin ako ng aking ama. Nag-aral ako ng mabuti at nakapagtapos ng elementary.
Noong high skul na ako, nagtayo ako ng fishball station sa labas ng aming bahay. Nahiligan ko na rin kasi ang nagging trabaho kong pagluluto dahil araw-araw kong ipinagluluto ang aking pamilya. Naisip ko, bakit hindi ko nga ba ginamit sa ibang lebel ang mga nagagawa ko? Buti at suporta naman si itay sa gusto ko. Imbis na tuwing pagkatapos kong magpahinga ay sasama ako kay itay upang magsukat ng lupa, ginagamit ko itong oras para magluto at magbenta ng mga fishball. Nakaipon ako at sawakas, nakapagtapos ako ng high skul. Nahiligan ko na talaga ang pagluluto. Pumunta ako sa Maynila upang mag-aral ng pagluluto. Kumuha ng 2-year course sa culinary arts. Madami akong natutunang mga putahe, iba’t-iba talaga! Nag on the job training ako sa isang restaurant kung saan nakita nila ang aking galing at hilig sa pagluluto. Nakapagtapos ako ng 2-year vocational course at inirekomenda ako ng aking mga guro at may-ari ng restaurant ng nag-on the job training ako, sa isang mamahaling restaurant. Makalipas ang ilang buwan ay tumaas na ang aking posisyon at nakaipon din ako. Tuwing nakakasweldo ako, nagpapadala ako kina itay, nakaipon din sila at lumalawak ang dating negosyo na fishball stand at naging isang kalendirya. Nagkakasundo na kaming lahat at ang nagpapatakbo ng aming kalendirya ay ang nanay ng aking mga kapatid sa labas. Maayos na ang aming samahan, sa wakas!
Bumalik ako sa aming bahay at kitang-kita ko na masaya ang lahat, lumaki na ang negosyo, lahat kaming mga anak ni itay ay nakapagtapos na sa pag-aaral at may sari-sariling trabaho. Nagpapasalamat ako sa nanay ko na patuloy akong ginagabayan at syempre sa Diyos sa lahat ng kabutihang nangyari sa aking buhay. Patuloy kong minahal ang pagluluto at ang aking trabaho. Kung hindi ko napagdaanan ang lahat ng mga nangyari dati, hindi ko na alam kung ano mag bibigay ng inspirasyon sa akin upang gumawa ng mabubuting bagay, hindi lang para sa akin, kung hindi para rin sa iba. 

Torpe ni Brandon Cuenca

Noong unang panahon may isang dalagang Pilipina ay nahihiya at malihim tungkol sa kanyang mga damdamin tungkol sa isang manliligaw sa kanya. Ito ay nagpapakita ng ipagkaila na talagang pinapakita ang talagang pag-ibig sa tao.
Ang tuksuhan ang isa sa mga karaniwang gawain nga mga kabataan ngayon. Ito ay isa sa mga paraan ng mga tao para mapakita ang pagmamahal para sa isang tao tulad ng isang binatang lalaki na ginagawa ang lahat ng pwedeng isipin para makuha ang atensyon ng dalagang Pilipina dahil napansin niya tuwing nagsasama sila nakakalimot ito ng mga problemang nagpapabibigat sa buhay niya kahit sandali lang ito malaking tulong na ito para sa binatang lalaki kasi marami siyang pinagdaraanan.
Pero may malaking problema ang binatang lalaki hindi niya masabi ang totoong nararamdaman niya para sa dalaga. Ang tawag dito ay ang pagiging torpe Kung ang isang tao ay torpe, siya ay nangangailangan ng tulay. Kahit sino sa kapwa kaibigan niya na makakapagsabi ng totoong nararamdaman ng binata para lang sa dalaga. Ito rin ay isa sa mga paraan para malaman ng isang tao kung may pagkataon niya mahalin siya at mahalin din siya ng mahal niya sa buhay. Dito rin natin malalaman ang totoong damdamin ng babae. Kung wala siyang nararamdaman para sa lalaki, ititigil niya ang panliligaw. Tulad ng binatang lalaki hindi niya akalain na mamahalin din siya ng dalagang babae kasi sobrang hinhin niya, matalino, maganda, mabait, mapagbigay, at marami pang iba. Ang binatang lalaki naman ay maingay, mabait, malungkutin, at negatibo sa lahat ng bagay.
Ang ilan sa mga lalaki ay takot sa pag-ibig. Ito ay isa sa mga pinakamahirap na gawain ng lalaki dahil kung magmahal ang isang lalaki sobra magmahal ito para lang sa babae. Kung mabasted man siya sobrang sakit ito para sa lalaki kasi napaasa ito. Tulad ng binatang lalaki minahal niya ang babae at pinakita niya ang lahat ng pwede niya ng gawin para masiyahan ang dalaga.  Niligawan niya ito ng matagal at meron mga oras na nawawalan siya ng pag-asa pero hindi siya tumigil dahil alam niya na ang dalagang ito ay magpapasaya sa kanya ng sobra-Ssobra at ginawa pa rin niya ang lahat hanggang sa oras na sinagot at minahal ng totoo dahil dito nagbago ang buhay ng binatang lalaki.