Name: Donn Mitchell A. Almera
Interests: I like to eat, I love to swim, I like siesta, Playing the guitar!!
Courses I applied for: Human Resource Management, Economics, Civil Engineering
Dream School: Ateneo, DLSU
Reflection:
Napakasaya ng unang termino ng Filipino. Mas madali maintindihan ang Filipino dahil
magaling ang guro! Pinagsasama ng guro ang kasayahan at pag seryoso pag diskusyon na.
Mas nakakagana din mag aral kapag nakakatawa ang guro, at pag ka "vibe" mo ang guro.
Ang pinakamasaya ang dulaan. Dahil sa dula naging malapit ang Sr-A sa isa't isa, at mas
lumakas ang pagkakaibigan.
Group 1 Senior A :)) Cristina Almeda Donn Almera Donuel Ambat Brandon Cuenca Simon Cuna Edmar Daniel
Monday, September 3, 2012
Cristina Almeda
Pangalan: Cristina Almeda
Mahilig akong ilipas ang oras kasama ang pamilya ko. Mahilig akong sumubok ng mga bagong bagay tulad
ng skateboarding, wakeboarding, ice skating, etc.
Kursong gusto ko sa kolehiyo: Business Management, Fashion design o Culinary
Ang gusto kong pasukan: La Salle
Ang unang termino sa Filipino class ay naging masayang karanasan sa pag-aaral. Natutunan namin ang
Retorika at Pagtapat ng Kasanayan. Nagkaroon din kami ng dula bilang OP namin bilang isang kklase.
Ang dula ay nakatulong sa pagiging mas malapit namin sa isa't isa at naka-bond pa kami. Marami kaming
natutunan tungkol sa bawat isa at kung paano kausapin at kaibiganin ang lahat.
Mahilig akong ilipas ang oras kasama ang pamilya ko. Mahilig akong sumubok ng mga bagong bagay tulad
ng skateboarding, wakeboarding, ice skating, etc.
Kursong gusto ko sa kolehiyo: Business Management, Fashion design o Culinary
Ang gusto kong pasukan: La Salle
Ang unang termino sa Filipino class ay naging masayang karanasan sa pag-aaral. Natutunan namin ang
Retorika at Pagtapat ng Kasanayan. Nagkaroon din kami ng dula bilang OP namin bilang isang kklase.
Ang dula ay nakatulong sa pagiging mas malapit namin sa isa't isa at naka-bond pa kami. Marami kaming
natutunan tungkol sa bawat isa at kung paano kausapin at kaibiganin ang lahat.
Ang panghuling pankatang gawain sa Unang Termino!!
Ngayong linggo ay ang aming mga huling pagsusulit sa unang termino, pero ngayong araw ay wala pa. Mga kinailangan lamang tapusiin ang mga ipinaggagawa sa amin. Kinuha ni Sir Henry ang oras namin kaninang umaga sa English para matapos namin ang huling pangkatang gawain ngayong termino.
Itong pankatang gawain namin na ito ay ginawang isang laro. Kaming mga pangkat ang maglalaban. Ang gagawin namin ay magsalin ng mga pangungusap sa Ingles at isalin sa Filipino, pero sa kakaibang paraan. Itetext namin ang mga sagot namin kay Sir Henry!
Nakalimutan ko na ang mga isinalin namin... Pero ang isa ay "You're not fit to be a person!" pagsinalin, "Hayop Ka!" (Thank you, Brandon!)
Dalawa kaming grupo nakakuha ng pinakamataas na puntos. Pareho kaming naka-17 na puntos. Ang pinakamataas, well, mga pinakamataas ay makakakuha ng 20/20. Ang pangalawa ay 18, pangatlo ay 16, pang-apat ay 14, panglima ay 12, at panghuli ay 10. Buti nalang wala sa klase ang naka-10, ang ibig sabihin, walang pumalpak! :))
Itong pankatang gawain namin na ito ay ginawang isang laro. Kaming mga pangkat ang maglalaban. Ang gagawin namin ay magsalin ng mga pangungusap sa Ingles at isalin sa Filipino, pero sa kakaibang paraan. Itetext namin ang mga sagot namin kay Sir Henry!
Nakalimutan ko na ang mga isinalin namin... Pero ang isa ay "You're not fit to be a person!" pagsinalin, "Hayop Ka!" (Thank you, Brandon!)
Dalawa kaming grupo nakakuha ng pinakamataas na puntos. Pareho kaming naka-17 na puntos. Ang pinakamataas, well, mga pinakamataas ay makakakuha ng 20/20. Ang pangalawa ay 18, pangatlo ay 16, pang-apat ay 14, panglima ay 12, at panghuli ay 10. Buti nalang wala sa klase ang naka-10, ang ibig sabihin, walang pumalpak! :))
Sunday, September 2, 2012
Baybayin gawain pagkatapos nasuspende ang klase :)
"Sa isang madilim na gubat"
Ito ang parte ng grupo namin sa tula na isusulat sa baybayin ng buong klase.
Ang grupo namin ay nakakuha ng 20/20, ang pinakamataas na marka, at naging Top 5 na baybayin ang nagawa namin kabilang na ang ibang nagawa ng mga taga ibang seksyon! :)
Ito ang parte ng grupo namin sa tula na isusulat sa baybayin ng buong klase.
Ang grupo namin ay nakakuha ng 20/20, ang pinakamataas na marka, at naging Top 5 na baybayin ang nagawa namin kabilang na ang ibang nagawa ng mga taga ibang seksyon! :)
K-12: Pro vs Anti Debate ng Senior-A
Sa tingin namin, isa ito sa mga sobrang masaya at seryoso na sabay na pankatang gawain. Hiniwalay kami sa dalawang malaking grupo. Ang pangkat 1, 2 at 3 ay isang grupo, at 4, 5 at 6 sa kabilang grupo.
Ang grupo namin ay Pro-K12 at ang kabila ay Anti-K12.
Lahat ng mga kaklase namin ay may mga magagandang argyumento tungkol sa paksang ito. Pero ang hinahanap ni Sir Henry ay ang nilalaman ng mga argyumento namin. Sa huli, ang grupo namin ang nanalo at nagkaroon ang lahat ng grupo sa malaking pangkat namin ng 20/20, habang ang kabilang grupo ay nakakuha ng 19/20.
Ang premyo ng pagkapanalo sa debate ay plus points sa aming pagsusulit.
Ang grupo namin ay Pro-K12 at ang kabila ay Anti-K12.
Lahat ng mga kaklase namin ay may mga magagandang argyumento tungkol sa paksang ito. Pero ang hinahanap ni Sir Henry ay ang nilalaman ng mga argyumento namin. Sa huli, ang grupo namin ang nanalo at nagkaroon ang lahat ng grupo sa malaking pangkat namin ng 20/20, habang ang kabilang grupo ay nakakuha ng 19/20.
Ang premyo ng pagkapanalo sa debate ay plus points sa aming pagsusulit.
Prayoridad: Noon at Ngayon
NOON: Inatake si Brandon, at nag-aalala sina Simon at si Donn. Dinala nila si Brandon sa ospital.
NGAYON: Inatake si Brandon, sabi ni Donn, "Idaan nalang sa tubig!"
NOON: Nagdadasal sina Tina at Donuel sa Mahal na Araw (Holy Week)
NGAYON: Inatake si Brandon, sabi ni Donn, "Idaan nalang sa tubig!"
NOON: Nagdadasal sina Tina at Donuel sa Mahal na Araw (Holy Week)
Simon Benedict Altamirano Cuna
Pangalan: Simon Benedict Altamirano Cuna
Tungkol sa aking sarili: Mahilig ako sa Ice Cream! Mahilig din akong magluto ng pagkain. Tumutugtog ako
ng biyolin. Isa akong responsableng estudyante.
Kurso gusto kong kunin: BS Legal Management
Reflection about what we learned in filipino class: Marami akong napulot na mga bagay sa Filipino subject
namin. Ang mga paksa naming tinalakay ay tungkol sa retorika at ang mga elemento nito gaya ng iba't ibang
Estilo ng retorika at iba pa. Tinuruan kami kung paano makipanayam (interview) ng tamang paraan. Tinuruan
din kaming sumulat ng makatotohanang maikling kwento. Sa kasalukuyan, kami ay tinuturuang magsalin ng
wika sa filipino ng tamang paraan. Ang mga pinag-aralan namin ay hindi lang para sa loob ng eskwelahan
kung hindi sa totoong buhay rin. Salamat sa walang sawang suporta ng aming guro!
Tungkol sa aking sarili: Mahilig ako sa Ice Cream! Mahilig din akong magluto ng pagkain. Tumutugtog ako
ng biyolin. Isa akong responsableng estudyante.
Kurso gusto kong kunin: BS Legal Management
Reflection about what we learned in filipino class: Marami akong napulot na mga bagay sa Filipino subject
namin. Ang mga paksa naming tinalakay ay tungkol sa retorika at ang mga elemento nito gaya ng iba't ibang
Estilo ng retorika at iba pa. Tinuruan kami kung paano makipanayam (interview) ng tamang paraan. Tinuruan
din kaming sumulat ng makatotohanang maikling kwento. Sa kasalukuyan, kami ay tinuturuang magsalin ng
wika sa filipino ng tamang paraan. Ang mga pinag-aralan namin ay hindi lang para sa loob ng eskwelahan
kung hindi sa totoong buhay rin. Salamat sa walang sawang suporta ng aming guro!
Edmar Leanver Perez Daniel
Pangalan: Edmar Leanver Perez Daniel
Petsa ng kapanganakan: Agosto 7, 1995
Batch 2013
Course: Business Major o Psychology
Hobbies: Pagkanta, Sumayaw, Magsulat, Magbasa, Mag-aral.
Dislikes: Bullies, backstabbers, a lot of school work
Ako ay si Edmar Daniel, nag-aral ako sa Zobel mula ako ay 4 na taon pa lamang at nag-umpisa ako sa
Junior Prep (Loyalty Award, YAY!!) Ako ay mahilig sumayaw, kumanta at magsulat na kung anu-ano. Ako
ay parte ng Zobel Dance Crew at ng Ultimate Animo. Ang natutunan ko sa Filipino ay ang mga iba't ibang
parte ng pagsulat o ang mga iba't ibang paraan nang pagpapakita ng Rhetorika. Ang Filipino class ay
masaya para sa akin kasi ang mga ipinigagawa sa amin ay nakatutulong sa pag-bonding ng klase at
pag-cooperate para makakuha kaming lahat na mataas na marka.
Petsa ng kapanganakan: Agosto 7, 1995
Batch 2013
Course: Business Major o Psychology
Hobbies: Pagkanta, Sumayaw, Magsulat, Magbasa, Mag-aral.
Dislikes: Bullies, backstabbers, a lot of school work
Ako ay si Edmar Daniel, nag-aral ako sa Zobel mula ako ay 4 na taon pa lamang at nag-umpisa ako sa
Junior Prep (Loyalty Award, YAY!!) Ako ay mahilig sumayaw, kumanta at magsulat na kung anu-ano. Ako
ay parte ng Zobel Dance Crew at ng Ultimate Animo. Ang natutunan ko sa Filipino ay ang mga iba't ibang
parte ng pagsulat o ang mga iba't ibang paraan nang pagpapakita ng Rhetorika. Ang Filipino class ay
masaya para sa akin kasi ang mga ipinigagawa sa amin ay nakatutulong sa pag-bonding ng klase at
pag-cooperate para makakuha kaming lahat na mataas na marka.
Donuel Angelo Sta. Ines Ambat
Donuel Angelo Sta. Ines Ambat
Mahilig ako sa paglaro sa kompyuter, tumambay kasama ng mga kaibigan, pumunta sa malalayong lugar.
Ang gusto kong kurso sa kolehiyo: Political Science and/or Chemical Engineering sa University of the
Philippines - Diliman
Nakakatulong ang Filipino na gawing madali ang mga pag aaral dahil sa mga larong ipinapagawa at
paguusap sa mga kaklase. Hindi masyadong makakatulong ang puro presentation maganda din kung nag
uusap-usap ang mga mag aaral upang maintindihan ito. Ang aking guro na si Ginoo Henry Magahis ay hindi
pumapayag na maging hindi masaya ang kanyang klase dahil gusto niya matuto kami sa masayang paraan at
hindi mawalan ng konsetrasyon.
Mahilig ako sa paglaro sa kompyuter, tumambay kasama ng mga kaibigan, pumunta sa malalayong lugar.
Ang gusto kong kurso sa kolehiyo: Political Science and/or Chemical Engineering sa University of the
Philippines - Diliman
Nakakatulong ang Filipino na gawing madali ang mga pag aaral dahil sa mga larong ipinapagawa at
paguusap sa mga kaklase. Hindi masyadong makakatulong ang puro presentation maganda din kung nag
uusap-usap ang mga mag aaral upang maintindihan ito. Ang aking guro na si Ginoo Henry Magahis ay hindi
pumapayag na maging hindi masaya ang kanyang klase dahil gusto niya matuto kami sa masayang paraan at
hindi mawalan ng konsetrasyon.
Ako ay
natutuwa dahil hindi ako nawawalan ng konsentrasyon sa pag aaral sa Filipino
dahil Masaya
ito dahil sa mga gawaing ipinapagawa. Kung ayoko ang pinag aaralan basta kayang gawin ng guro na mas
maganda tutunan hindi ako tatamarin.
ito dahil sa mga gawaing ipinapagawa. Kung ayoko ang pinag aaralan basta kayang gawin ng guro na mas
maganda tutunan hindi ako tatamarin.
Brandon Mari Sardea Cuenca
Profile:
Name: Brandon Mari Sardea Cuenca
Age: 17
Birthday: February 10, 1995
Batch 2013
Interest: billiards, boxing, games, driving, & other more
Course: I want aeronautics
Dislike: shrimp, squid, people who are mayabang.
Reflection:
Natuto ko sa Filipino ay ang salitang Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay isang tagapagsalita sa publiko.
Maraming paraan para makapagsalita sa harap ng mga tao. Ang Retorika ay may maraming element tulad
ng paksa, kaayusan ng mga bahagi, estilo, kaalamang kapwa taglay, at paglilipat ng mensahe. Ang pinaka
mahirap na proseso ang pag pili n gating paksa pero may mga bagay na makakatulong satin makapili n gating
paksa tulad ng Encyclopedia, diksunaryo, almanac, at marami pang iba. Meron ding isa pang paraan na
pwede kumuha ng impormasyon ang pakikipagpanayam.
Helmet ni Tina Almeda
Isang magandang gabi nang kami ay kumakain sa bahay ng aking ninong. Kadalasan ay kumakain kami palagi ng aking nobyo sa aming bahay ngunit abalang-abala ang aking nanay sa kanyang trabaho. Ang pangalan ng aking nobyo ay si Miggy, limang taon na kaming nagsasama at talagang matibay ang aming samahan. Ako nga ay talagang nag-aalala na sa aking nanay dahil medyo matanda na siya at highblood pa. Dahil wala kaming makakainan tinanong ko agad ang aking malapit na tito kung pupwede kaming maghapunan sa kanilang bahay.
Masaya kaming nagkukwentuhan ng aking ninong at talagang natatawa kami sa kanya dahil sa kanyang palabirong pananalita. Sarap na sarap kami ni Miggy sa espesyal na luto ng aking ninong ng kare-kare. Tamang-tama lang ito dahil kaming dalawa ay pagod galing trabaho.Palagi kong kinakamusta ang aking ninong dahil namayapa na ang kanyang asawa na si Ninang Marcelo. Palagi lang sagot ng aking ninong ay,
"Ayos lang..."
Habang nasa kalagitnaan ng maganda at katatawanan na usapan ay biglang tumunog ang aking telepono...
"Tina, ako ito, ang kaibigan ng nanay mo. Inatake ang nanay mo at itinakbo na sa ospital ng Cubao!"
Nang marinig ko iyon ay agad-agad kaming nagmadali ni Miggy para puntahan ang aking nanay sa ospital. Heto na nga ba ang kinakatakutan ko e. Nang kami ay nakasakay na sa motor ni Miggy, naiwanan pa namin ang aking helmet kaya't siya lang ang nakasuot ng helmet. Nang kami ay napalayo na, biglang sabay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Nang kami ay tumatakbo sa bilis na 120 sa may highway ay basang-basa na ngunit hindi lang namin ito pinansin, tnanong ako bigla ni Miggy,
"Tina... Mahal mo ako hindi ba?
Sumagot agad ako ng pasungit,
"Oo naman! Anong klaseng tanong yan sa ganitong sitwasyon?"
At heto ang sinabi ni Miggy,
"Sige, kung mahal mo talaga ako, alisin mo ang aking helmet at ikaw ang magsuot."
At dali-dali ko namang isinuot ang helemt at nagtataka ako kung bakit niya ipinagawa sa akin iyon. Nang dumaan ang ampung segundo,bigla kaming naaksidente. Tumilapon kaming dalawa sa kalye at grabe ang aming natamo. Kami itong dadalaw sa ospital, kami rin ang naging pasyente ng ospital. Nang nasa ospital na ako, nalaman ko na nasa mabuting kalagayan na ang aking ina, at agad-agad kong hinanap si Miggy, at anbalitaan ko na lang na siya ay masyadong nasaktan sa pagkakabundol at iyon ang kanyang ikinamatay. Nang matapos ang imbestigasyon sa insidente, nalaman nila na nawalan ng preno ang motor naming sinasakyan.
Masaya kaming nagkukwentuhan ng aking ninong at talagang natatawa kami sa kanya dahil sa kanyang palabirong pananalita. Sarap na sarap kami ni Miggy sa espesyal na luto ng aking ninong ng kare-kare. Tamang-tama lang ito dahil kaming dalawa ay pagod galing trabaho.Palagi kong kinakamusta ang aking ninong dahil namayapa na ang kanyang asawa na si Ninang Marcelo. Palagi lang sagot ng aking ninong ay,
"Ayos lang..."
Habang nasa kalagitnaan ng maganda at katatawanan na usapan ay biglang tumunog ang aking telepono...
"Tina, ako ito, ang kaibigan ng nanay mo. Inatake ang nanay mo at itinakbo na sa ospital ng Cubao!"
Nang marinig ko iyon ay agad-agad kaming nagmadali ni Miggy para puntahan ang aking nanay sa ospital. Heto na nga ba ang kinakatakutan ko e. Nang kami ay nakasakay na sa motor ni Miggy, naiwanan pa namin ang aking helmet kaya't siya lang ang nakasuot ng helmet. Nang kami ay napalayo na, biglang sabay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Nang kami ay tumatakbo sa bilis na 120 sa may highway ay basang-basa na ngunit hindi lang namin ito pinansin, tnanong ako bigla ni Miggy,
"Tina... Mahal mo ako hindi ba?
Sumagot agad ako ng pasungit,
"Oo naman! Anong klaseng tanong yan sa ganitong sitwasyon?"
At heto ang sinabi ni Miggy,
"Sige, kung mahal mo talaga ako, alisin mo ang aking helmet at ikaw ang magsuot."
At dali-dali ko namang isinuot ang helemt at nagtataka ako kung bakit niya ipinagawa sa akin iyon. Nang dumaan ang ampung segundo,bigla kaming naaksidente. Tumilapon kaming dalawa sa kalye at grabe ang aming natamo. Kami itong dadalaw sa ospital, kami rin ang naging pasyente ng ospital. Nang nasa ospital na ako, nalaman ko na nasa mabuting kalagayan na ang aking ina, at agad-agad kong hinanap si Miggy, at anbalitaan ko na lang na siya ay masyadong nasaktan sa pagkakabundol at iyon ang kanyang ikinamatay. Nang matapos ang imbestigasyon sa insidente, nalaman nila na nawalan ng preno ang motor naming sinasakyan.
Saturday, September 1, 2012
Tinig ng Buhay ni Edmar Daniel
Napapaisip ka ba na ano ang pwede mong gawin sa
iyong buhay? Kung ano ang gusto mong
mangyari. Kung kumanta, sumayaw, mag-artista, magtinda, at kung ano pa. Ito ang
kwento ng isang dalaga na ang pangalan ay Bituin. Galing siya sa mahirap na
pamilya. Pero kahit na mahirap lamang siya, nakakapag-aral sa isang pribadong
paaralan dahil sa kanyang katalinuhan. Marami nga lamang ang walang alam na
siya ay magaling ding kumanta.
Sinasabi
sa kanya ng kanyang magulang na huwag munang unahin ang pag-awit kundi ang
pag-aaral kasi importante na makatapos siya ng eskwela para matulungan ang
kanyang pamilya. Mga kapatid niya na sina Luna, Maria o Mars, Jose o Jo,
Crisostomo o Cris at Lorenzo o Enzo at ang mga magulang na sina Luciana at
Mark. Suportado nilang lahat ang kanilang panganay na kapatid sa kanyang
pag-aaral at paghilig sa musika, lalo na sa pagkanta. Noong una ay hindi pa
alam ng pamilya ni Bituin na siya ay marunong umawit, lalo’t magaling ang
kanyang pag-awit. Pero palagi nilang sinasabi na ang pag-aaral muna ang unahin
bago ang musika. Kaya habang hindi alam ng mga magulang, umaalis ng sikreto si
Bituin para kumanta sa mga karaoke na malapit sa kanila.
Lumipas
ang ilang buwan at tuluyan pa ring lumalabas si Bituin para lang makakanta sa
harap ng mga tao. Pero nung isang gabi, may nakita siyang patalastas sa telebisyon
tungkol sa audition sa isang singing
competition, ang “The X Factor”. Malaki ang perang mapapanalunan kung siya
ang mananalo. Kaya naisipan ni Bituin na sumali pero hihingi muna ng pahintulot
galing sa mga magulang, tutal, kakatapos lang ng pasukan at ngayo’y bakasyon na
sila. Nang kinausap na niya ang kanyang pamilya, ang sabi nila,
“Anak,
sigurado ka bang ito ang gusto mong gawin?” tanong ng kanyang ina.
“Opo,
inay. Gusto ko pong sumali. Kung manalo po ako, yung mapapanalunan ko pong pera
ay makakatulong po talaga sa ating lahat!!” masayang sinabi ni Bituin.
“Magkano
ba ang mapapanalunan?” tanong ng ama.
“PHP
4,000,000 (apat na milyong piso) po.”
“ANO?!?!?!”
magulat na isinagot ng magulang at mga kapatid.
Sa
katapusan ng kanilang pag-uusap ay pumayag din ang magulang at pumunta sila sa
Maynila para makapag-audition si Bituin. Nang dumating sa lugar kung saan
kakanta si Bituin, nagulat silang lahat kasi ito ang unang beses nilang
makapunta sa Maynila, dahil galing sila sa probinsya ng Batangas. Pumila si
Bituin sa karami-raming gusto ring manalo sa programang ito. Humigit-kumulang
1000 na katao ang pumunta para ipakita sa mga hurado na sila ay karapat-dapat
na makasali sa X-Factor. Ang mga huradong sina Gary V., Charice, Martin Nievera
at si Pilita Corrales. Naghintay sa likod ng entablado ang buong pamilya ni
Bituin kasi siya ang huling kakanta para sa mga hurado. Kinakabahan siya, pero
sabi niya na kakayanin niya ito para sa kanyang pamilya. Nang siya na ang
tinawag,
“Hello
hello!! Kumusta ka na??” maligayang bati ng host na si KC Concepcion.
“Ok
lang naman po!”
“Ano
pangalan mo?” tanong ni KC.
“Bituin
Karunungan po…”
“At
bakit naman napasali ka sa X-Factor?”
“Para
po matulungan ang pamilya ko.”
“Ok
sige, good luck!!”
Pagkadating sa entablado, sa harapan ng mga
hurado, si Bituin, agad siyang binati.
“Hello!!
Ano pangalan mo, ija?” tanong ni Pilita.
“Bituin
Karunungan po.”
“At
isa ka nga namang magandang bituin, hindi nga ba?” bati ni Gary.
“Salamat
po!!”
“Ano
ang kakantahin mo ngayong araw na ito?” tanong ni Charice.
“Love
The Way You Lie Part 2 po ni Rihanna.”
“Good
Luck!!” sagot ng mga hurado.
Nang
kumanta si Bituin, hindi napigilang umiyak ang ama’t ina niya dahil alam na
nila na seryoso na siya para matulungan sila. Pagkatapos niyang kumanta, lahat
ng mga manonood, tumayo at pinalakpakan siya, pati na ang mga hurado.
“Ang
galing-galing mo, Bituin!!!” maligayang sinabi ni Pilita.
“Yun
na ata ang pinakamagandang bersyon na aking narinig” bati ni Gary.
“Pwede
mo ba ako maging Front Act???” masayang itinanong ni Martin.
“Tito
Martin, gusto mo maging Front Act, pwede mo ba ako maging Guest?” tanong ni
Charice.
“Ako,
gusto ko back-up singer!!” masayang idinagdag ni Pilita.
“Ok
lang basta ako ang magiging direktor!!” sabi ni Gary.
“SALAMAT
PO TALAGA!!!”
“1…
2… 3… YYYYYEEEEEESSSSSS!!!!!!” isinigaw ng mga hurado.
Nagsiyahan
ang lahat ng mga manonood pati na ang pamilya at si KC na nasa likod. Nakapasok
si Bituin!! Tumakbo siya papunta sa likod at agad na niyakap siya ng kanyang
pamilya at ni KC.
“CONGRATULATIONS!!!
Pasok ka!!!” maligayang bati ni KC.
“Salamat
po!!”
“Welcome
to Boot Camp!! Handa ka na ba para sa mga susunod na araw?” tanong ni KC.
“Handang-handa
na po!!” sinasabing paiyak ni Bituin.
Nung
mga sumunod na araw, parte ng Boot Camp si Bituin at napili siya bilang isa sa
limang babae na makakapunta sa Judges’ Homes. Dito nila nalaman na ang magiging
guro/mentor nila ay si Charice. Pagkatapos nilang kumanta sa harapan ni Charice
at ni Cheesa, isang kalahok ng “The Voice” sa Amerika, nahirapan ang dalawang
hurado ng pagpili ng tatlong babae na makakapasok sa “live show”. Pero sa huli,
si Bituin ay napili na maging parte ng “live show” at makakakanta siya sa
harapan ng buong mundo.
Ang Tunay na Kaibigan ni Donuel Ambat
Mapapatunayan
ang katapatan ng isang kaibigan sa panahon ng pagsubok ng bawat tao. Dito
makikilala ang ugali nang sinuman dahil sa hirap na dinadaanan sa bawat
pagsubok. Tulad na lamang naming magkaibigan, ako at si Monica. Dito ko
napatunayan ang tibay ng aming pag kakaibigan.
Sa unang taon nang aming pag-aaral
sa hayskul ay nakilala ko si Monica. Si Monica ay nakapagtapos bilang isang valedictorian sa elementarya. Isa rin
siya sa mga kilalang estudyante dahil sa kanyang angking kagandahan. Naging mag
kaklase kami, siya ay naging kasama ko sa isang proyekto para sa isang
asignatura.
Di tulad ni Monica, ako ay
maiituring na napagbigyan lamang na makapagtapos ng elementarya. Hirap ako sa
pag-aaral, aminado ako roon. Di madali sa akin ang pag-intindi sa lahat nang
aralin na aming tinatalakay buhat pa noong ako ay bata pa. Bobo raw ako kung
biruin ako ng aking mga kaklase. At dahil dito, mas pinili kong mapag-isa kaysa
hamakin ako ng mga kaklase ko.
Isang araw, habang ako ay
nagmumunimuni sa aking takdang-aralin, kitang-kita, litong-lito ako nang may
isang dilag na lumapit sa akin. Inalok niya ako kung maaari niya ba akong
tulungan. Ako ay napatango lamang sa aking sagot, at di makapaniwalang may
taong tulad niyang ay nais tumulong sa akin. Dito nagsimula ang pagkakakilala
naming dalawa. Unti-unti kaming naging malapit at naging matalik na
magkaibigan. Nagbibigayan kami, tinutulungan niya ako sa aking mga asignatura
samantalang ako naman tumutulong sa kanya na mag-ensayo sa mga isports.
Matapos ang unang taon, nahilig ako
makinig sa heavy metal music. Dahil
dito, nakilala ko si Nathan. Siya ay mahilig din makinig ng heavy metal music. Kung iyong pagmamasdan
si Nathan, masasabi mong mas matanda siyang tingnan kaysa sa kaniyang edad.
Naninigarilyo, umiinom, nagpupuyat at halatang gumagamit ng ipinagbabawal na
droga. Dahil sa may koleksyon ako ng mga heavy
metal music lagi sumasama sa akin si Nathan upang makapaghiram at makakopya
ng mga ito. Wiling-wili akong panoorin siyang nakikinig ng mga tugtugin habang
gumagamit, sabay na sabay ang indak sa bawat bayo ng tugtog. Napapahanga ako sa
kanya, pakiramdam ko ay sobrang angas ang kaniyang dating. Minsan naiisip ko na
sana maging ka “cool” din ako tulad niya.
At dahil sa pagnanais kong iyon,
naiisipan kong subukan, ang mga ginagawa ni Nathan. Sinimulan ko sa pagtikim ng
sigarilyo, paubo-ubo sa simula hanggang sa makasanayan na ito. Nang masanay na
dito inalok ako ni Nathan na tikman ang damo. Unang hithit pa lang tila
nakalimutan ko na aking mga problema, pamilya at pag-aaral. Dahil dito
unti-unti kami nag kalayo ni Monica.
Noong unang beses ako nakita ni
Monica naninigarilyo ay binalewala lang niya. Ngunit noong madalas na niya ako
makita naninigarilyo, siya ay nag-alala. Isang beses nakita niya akong
gumagamit ng bato pilit niya ako pinapatigil. Makailang beses din ako
pinagsabihan ni Monica. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga masasamang epekto ng
paggamit nito. Tila isang bingi, di ako nakinig sa kanyang mga payo. Patuloy
kong ginawa ang paggamit ng damo. Minsan hindi lamang damo ang aming ginagamit
ngunit mas matapang pa kung minsan.
Unti-unti kong napabayaan ang aking
pag aaral. Ang aming pinaghirapan ni Monica noong unang taon ay nasayang.
Natanggal ako sa aming paaralan dahil nahuli nila si Nathan na may dala at
dinamay ako. Tinakwil ako ng aking mga magulang dahil hindi nila matanggap na
ako nalulong sa bisyo. Kahit sa mga pinagdaanan kong mga iyon, di ko pa rin
maalis sa akin ang pagnanais na gumamit na ipinagbabawal na gamot. Hanggang sa
ako ay nagkasakit.
Nagkasakit ako sa baga. Humina ang
aking kalusugan at halos sa bingit na nang kamatayan. Sa lahat ng aking
pinagdaanan, ang taong nagdala sa akin sa pagkalulong sa bisyo ay di na
nagpakita. Kahit na itinuring ko siyang kaibigan, dinamayan sa kanyang bisyo,
iniwan niya ako oras nang aking pangangailangan. Iisang tao lamang ang hindi
sumuko at nang-iwan sa akin, ioon ay si Monica.
Kahit na may karamdaman na ako,
patuloy pa rin akong gumagamit. Hanggang sa isang araw natiyempuhan ako ni
Monica na humihithit ng sigarilyo sa isang kanto na malapit sa kanilang bahay.
Pilit niyang inaagaw sa akin ang hawak kong sigarilyo. Di maiwasan, natulak ko
siya. At sa aking pagkakatulak, siya ay napaatras at nahagip ng isang
rumaragasang sasakyan. Agaw buhay siya nang oras na iyon. Nadala ko siya sa
pinakamalapit na ospital kung saan siya binigyan nang paunang lunas. Sa sobrang
laki nang aking pagsisisi, aking ipinangako sa Diyos at sa kanya na ako ay
magbabago maligtas lamang ang kanyang buhay. Tinigil ko ang lahat nang aking
bisyo at naiisipang bumalik sa dating buhay. Nagsumikap na makabalik sa
pag-aaral sa ibang paaralan. Lagi nasa isip ko na alay ko ang aking buhay sa
aking matapat na kaibigan na si Monica.
Aking natapos ang kursong medisina
sa tanyag na paaralan nang Unibersidad ng Pilipinas. Nakabilang ako sa
tumanggap nang parangal ng ako ay makatapos. Nakapagtrabaho ako bilang isang
doktor sa isang kilalang ospital sa lungsod ng Muntinlupa. Patuloy pa rin ang
aming pagkakaibigan ni Monica. Higit pa sa magkapatid ang aming turingan. Lubos
akong nag papasalamat na di siya sumuko sa pagtulong at pag-apay sa akin.
Kaya mga apo ko, importante
makahanap kayo nang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan sa kahit ano mang iyong
pagdaraanan. Tulad nang lola Monica ninyo, walang sawa siyang umagapay sa akin
ng mga panahon sa aking pangangailangan. Natuto akong magmahal dahil sa mga
halimbawang ipinakita niya at nais ko sa kanya ibuhos ang pagmamahal na aking
natutuhan.
Search-In Dula
Ang unang nagawa namin bilang isang pangkat sa klase ang pagdudula sa mga binigay na sitwasyon ng aming guro na si G. Henry Leen Magahis.
Binigyan kami ng sitwasyon na kung sasali daw kami sa organisasyon na Search-In, ipaliwanag kung bakit kami ang karapat-dapat na mapili kasi kaunti lamang ang pagpipilian na magiging retreatant.
Medyo nagkagulo kami nung una, pero nag-improvise na lang kami kasi wala na talaga kaming maisip na magawa. Ang nabuo namin na maliit na dula ay nakapag-bigay sa pangkat namin ng marka na 12/15. Ok na rin sa amin iyon, pero sinabi namin sa isa't isa na kailangan naming bumawi!! :))
Sipag at Tiyaga ni Simon Cuna
Ang pagiging matagumpay sa buhay ay hindi
palaging nasusukat sa kasikatan, sa talino, galing sa mga isports, pagkakaroon
ng mga gantimpala at iba pa. Sa maliit at simpleng bagay, maari nating
ipagmalaki ang ating mga sarili. Ako si Manny, isang simpleng bata na may isang
kahilingan sa buhay, sana’y mai-angat ko na ang aking pamilya sa kahirapan. Ako’y
labintatlong taon na, ngunit nasa ika apat na taon ng elementarya lamang ako
dahil hindi ako kayang buhayin ng aking sariling ama. Ako ay ulila sa aking ina
noong limang taong gulang pa lang ako. Si tatay ay may dalawang anak sa ibang
babae na kabit pala ng aking ama noong buhay pa si inay. Mas binibigyang pansin
ng aking ama ang iba niyang mga anak. Para
akong isang alila kung tratuhin nila. Porket nawala na si inay ay mas
pahahalagahan niya ang kanyang pangalawang pamilya. Ang bahay namin ay nakatayo
sa lupa ng mga magulang ni inay. Kay inay yun at hindi para sa ibang babae! Pero,
dito na rin nakatira ang pangalawang pamilya ni tatay. Ako ang naging katulong
nina itay: tagalinis ng bahay, taga-laba ng mga damit nila, taga-hugas ng mga
pinagkainan nila, nagpapakain at nag-aalaga ng aming alagang baboy. Lahat iniuutos
sa akin, lahat ng kahirapan ay binibigay sa akin. Ang mga edad naman nina Jerry
at Lia ay di kalayuan sa akin. Bakit hindi nila ako tulungan? Alam ko mga
kapatid ko sila sa labas, ngunit buong buhay ko ay di nila ako nirerespeto at
tinatratong kapatid, di nila ako kayang tawaging “kuya” man lang! Lecheng buhay
ito! Si Jerry ay labing dalawang taonng gulang at nasa ika anim na taon ng
elementariya na siya. Si Lia naman ay sampung taong gulang at nasa ika apat na
taon ng elementaria na siya. Hirap na hirap na ako sa buhay ko. Minsan nga ay
tinatanong ko sa sarili ko kung pano ko napagsasabay ang pag-aaral, trabaho at
mga emosyon ko sa buhay. Dumarating sa punto na gusto ko nang itigil ang
pag-aaral ko dahil parang hindi ko talaga kaya lalo na kung ganito ang aking mga
pinagdadaanan. Napakahirap ng aking sitwasyon. Estudyante, trabahador, utusan
pa na may sirang pamilya, walang kakampi sa bahay, lahat ng kamalasan na
pwedeng mangyari sa isang anak ay nasa akin!
Araw-araw, ako ang unang nagigising sa bahay.
Alas tres palang ng madaling araw ay gising na ako upang maka-igib ng tubig sa
kabilang barrio. Dalawang timba ang dinadala ko at kailangan kong bumalik doon
ng halos apat na beses para meron kaming panligo, panlaba, panghugas ng mga
pinggan, panlinis at iba pa. Kung tutuusin ay kulang pa nga ang walong timba ng
tubig sa isang araw. Pagkatapos mag-igib ng tubig ay maghahanda na ako para sa
almusal naming lahat. Minsan ay dadayo pa ako sa palengke kung may kulang na
kasangkapan. Pagkaluto ko ay paliliguan ko ang aming alagang baboy at pakakainin
ng kanyang almusal. Pagkatapos mag-alaga ng baboy, ay magwawalis pa ako ng
saglit sa loob at labas na bahay. At pagkawalis ko ay palaging sakto sa
pagtapos ng almusal nila. Kung ano ang matitira sa kanilang pagkain ay ang almusal
ko. At pagkatapos nun eh ako pa ang maghuhugas ng mga pinggan. Akalain mo yun?
Sila na nga ang nagpakasarap-buhay, sa akin ibubuhos lahat ng hirap! Pagkatapos
ng lahat ng mga gawain ay maliligo ako at magpapahinga ako ng halos isang oras
lamang mula alas-otso ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga. Ang aking ama ay
tagasukat ng lupa. Madalas niya akong sinasama pagkatapos ng aking trabaho sa
bahay upang magkaroon siya ng katulong. Nagsusukat kami mula alas-diyes
hanggang alas-dos ng hapon. Pagkauwi, doon palang ako makakapag-aral. Wala na
talaga akong oras para mag-aral ng mabuti. Mahigit kalahating oras ang
binabiyahe ko mula bahay hanggang paaralan. Ang klase ko ay nagsisimula ng
alas-quatro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi. Nakakauwi na ako ng
alas-otso ng gabi at maghuhugas pa ng pinggan at magpapakain ng alagang baboy
para sa kanyang hapunan. Nakakatulog na ako pagtapos ng mga gawaing yan dahil
sa sobrang pagod kaya wala na akong oras sa pag-aaral ko.
Isang araw, nagpakalayo ako. Hindi na ako
nagpaalam sa aking ama, kasi alam ko pagbabawalan nila akong mamasyal at
maggala, gusto nila akong magtrabaho lang at mag-asikaso ng gawaing bahay.
Hindi na ako nakinig. Biruin mo, halos walong taon na akong walang kalayaan?
Pumunta ako sa tabing dagat upang makapagpahinga, mag-isip, at makahanap ng
kapayapaan. Tuwang-tuwa ako at parang nakakonek uli ako sa kalikasan. Nakatulog
ako sa tabing dagat at napanaginipan ko ang mga paalala ng aking ina sa akin
noong bata pa ako. Palagi niyang sinasabi sa akin noong buhay pa siya, na dapat
maging magalang akong anak, mag-aral ng mabuti para sa aking kinabukasan, mahalin
ang pamilya at ang Diyos. Kapag pinagsama-sama mo itong lahat, magtatagumpay ka
sa buhay. Palagi niyang sinasabi na mahal tayo ng Diyos kahit anong mangyari at
sa lahat ng kahirapan na nararanasan natin ay may kapalit na mabuting grasya.
Nagising ako noong palubog na ang araw. Napangiti ako at nakita ko na pwede pa
pala akong magbago, at dapat kong tingnan ang mga bagay sa magandang paraan.
May pag-asa pa pala ako maging matagumpay sa aking buhay eh, kailangan ko lang
baguhin ang dati kong ugali. Bukas ay Linggo, hihingi ako ng tulong sa aking
mahal na Ama sa Langit. Ibabalik ko ang aking pananampalataya sa kanya para
makilala ko uli ang aking sarili.
Tuwing gigising ako sa umaga, hindi na ako
sisimangot, maninisi ng iba, at tatamarin sa kahit anong bagay. Naisip ko na
kung ngayon ko babaguhin ang aking sarili ay mas masisiyahan ako sa buhay ko.
Tuwing nagtatrabaho ako, iniisip ko nalang na lahat ng ito ay para sa aking ina
na nagbigay sa akin ng inspirasyon. Kahit maltratuhin nila ako sa bahay,
importante na wala akong ginagawang masama sa kanila at ako ay mayroong
mabuting intensyon. Naging mabuti ang pakikitungo ko sa pamilya ng aking ama,
at dahil natutunan kong mahalin ang mga ginagawa ko sa buhay, mas nagkakaroon
ako ng motibasyon at inspirasyon mag-aral. Sinusulit ko ang kada minute ko sa
araw-araw, kung dati ay tatamad-tamad akong gumawa ng gawaing bahay, ngayon ay
mas sinisipag ako para magkaroon ng maraming oras at para ma bigyan prayoridad
ang aking pag-aaral. Naniniwala ako na ang edukasyon ay ang pinakamahalagang
regalo ng atin mga magulang. Kahit ganito ang aking siwasyon, nagpapasalamat
ako dahil pinapaaral parin ako ng aking ama. Nag-aral ako ng mabuti at
nakapagtapos ng elementary.
Noong high skul na ako, nagtayo ako ng fishball
station sa labas ng aming bahay. Nahiligan ko na rin kasi ang nagging trabaho
kong pagluluto dahil araw-araw kong ipinagluluto ang aking pamilya. Naisip ko,
bakit hindi ko nga ba ginamit sa ibang lebel ang mga nagagawa ko? Buti at
suporta naman si itay sa gusto ko. Imbis na tuwing pagkatapos kong magpahinga
ay sasama ako kay itay upang magsukat ng lupa, ginagamit ko itong oras para
magluto at magbenta ng mga fishball. Nakaipon ako at sawakas, nakapagtapos ako
ng high skul. Nahiligan ko na talaga ang pagluluto. Pumunta ako sa Maynila
upang mag-aral ng pagluluto. Kumuha ng 2-year course sa culinary arts. Madami
akong natutunang mga putahe, iba’t-iba talaga! Nag on the job training ako sa
isang restaurant kung saan nakita nila ang aking galing at hilig sa pagluluto.
Nakapagtapos ako ng 2-year vocational course at inirekomenda ako ng aking mga
guro at may-ari ng restaurant ng nag-on the job training ako, sa isang
mamahaling restaurant. Makalipas ang ilang buwan ay tumaas na ang aking
posisyon at nakaipon din ako. Tuwing nakakasweldo ako, nagpapadala ako kina
itay, nakaipon din sila at lumalawak ang dating negosyo na fishball stand at naging
isang kalendirya. Nagkakasundo na kaming lahat at ang nagpapatakbo ng aming
kalendirya ay ang nanay ng aking mga kapatid sa labas. Maayos na ang aming
samahan, sa wakas!
Bumalik ako sa aming bahay at kitang-kita ko na
masaya ang lahat, lumaki na ang negosyo, lahat kaming mga anak ni itay ay
nakapagtapos na sa pag-aaral at may sari-sariling trabaho. Nagpapasalamat ako
sa nanay ko na patuloy akong ginagabayan at syempre sa Diyos sa lahat ng
kabutihang nangyari sa aking buhay. Patuloy kong minahal ang pagluluto at ang aking
trabaho. Kung hindi ko napagdaanan ang lahat ng mga nangyari dati, hindi ko na
alam kung ano mag bibigay ng inspirasyon sa akin upang gumawa ng mabubuting
bagay, hindi lang para sa akin, kung hindi para rin sa iba.
Torpe ni Brandon Cuenca
Noong
unang panahon may isang dalagang Pilipina ay nahihiya at malihim tungkol sa
kanyang mga damdamin tungkol sa isang manliligaw sa kanya. Ito ay nagpapakita
ng ipagkaila na talagang pinapakita ang talagang pag-ibig sa tao.
Ang
tuksuhan ang isa sa mga karaniwang gawain nga mga kabataan ngayon. Ito ay isa
sa mga paraan ng mga tao para mapakita ang pagmamahal para sa isang tao tulad
ng isang binatang lalaki na ginagawa ang lahat ng pwedeng isipin para makuha
ang atensyon ng dalagang Pilipina dahil napansin niya tuwing nagsasama sila
nakakalimot ito ng mga problemang nagpapabibigat sa buhay niya kahit sandali
lang ito malaking tulong na ito para sa binatang lalaki kasi marami siyang pinagdaraanan.
Pero
may malaking problema ang binatang lalaki hindi niya masabi ang totoong nararamdaman
niya para sa dalaga. Ang tawag dito ay ang pagiging torpe Kung ang isang tao ay
torpe, siya ay nangangailangan ng tulay. Kahit sino sa kapwa kaibigan niya na
makakapagsabi ng totoong nararamdaman ng binata para lang sa dalaga. Ito rin ay
isa sa mga paraan para malaman ng isang tao kung may pagkataon niya mahalin
siya at mahalin din siya ng mahal niya sa buhay. Dito rin natin malalaman ang totoong
damdamin ng babae. Kung wala siyang nararamdaman para sa lalaki, ititigil niya
ang panliligaw. Tulad ng binatang lalaki hindi niya akalain na mamahalin din
siya ng dalagang babae kasi sobrang hinhin niya, matalino, maganda, mabait,
mapagbigay, at marami pang iba. Ang binatang lalaki naman ay maingay, mabait,
malungkutin, at negatibo sa lahat ng bagay.
Ang
ilan sa mga lalaki ay takot sa pag-ibig. Ito ay isa sa mga pinakamahirap na
gawain ng lalaki dahil kung magmahal ang isang lalaki sobra magmahal ito para
lang sa babae. Kung mabasted man siya sobrang sakit ito para sa lalaki kasi
napaasa ito. Tulad ng binatang lalaki minahal niya ang babae at pinakita niya
ang lahat ng pwede niya ng gawin para masiyahan ang dalaga. Niligawan niya ito ng matagal at meron mga
oras na nawawalan siya ng pag-asa pero hindi siya tumigil dahil alam niya na
ang dalagang ito ay magpapasaya sa kanya ng sobra-Ssobra at ginawa pa rin niya
ang lahat hanggang sa oras na sinagot at minahal ng totoo dahil dito nagbago
ang buhay ng binatang lalaki.
Thursday, August 30, 2012
4N6 J3jeM0n, B0W!
Nagkapresentasyon kami ng tungkol sa mga kaakit-akit na J3j3M0n!! :))) Ang pinag-usapan ng pangkat namin ay ang "Ano nga ba talaga ang J3j3m0N?"

JEJEMON. Kombinasyon ng mga salitang “Jeje,” dahil daw kung tumawa sa text ay "jejejeje" ang nakalagay imbes na "hehehehe," o kaya'y posibleng baryasyon ng “J.J.” o “Jumping Jologs” (mga taong inilalarawan bilang mga tambay sa labas ng concert grounds, nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon—madalas kupas—at nakasumbrero o nakaayos ang buhok sa isang gilid), at ng “Mon” na mukhang nanggaling sa“Pokemon”.
Gumagamit daw ang mga Jejemon ng kakaibang ispeling at mga salitang sila lang ang nagkakaintindihan.
žang jejemon ay mga taong sumusunod sa tinatawag nating ngayong NEW IMPROVED GENERATION. ang mga letra, spelling ng salita ay iniiba, mga letra din ng salita ay paiba-ba, minsan may maliit may malaki.
žMga halimbawa:
844n k4 647!n6 ?? Na minsan ay "SAAn kA GALInG ??"
aKO aiiE, 2nD yR. hAiisKUL fAh LAman6 !!
844n k4 647!n6 ?? Na minsan ay "SAAn kA GALInG ??"
aKO aiiE, 2nD yR. hAiisKUL fAh LAman6 !!
Lahat ng mga grupo ay nakakuha ng pinakamataas na marka, 15/15! Ang lahat ay nakapagbigay ng magagandang presentasyon at ang paraan ng pagpapakita sa buong klase kung ano talaga ang J3j3m0N! :)))
F44LAms N4 PH0WZZ!!! 4j3j3j3j3j3j3j3j3j3!!
Pakikipanayam kasama si Ginang Nancy Resma

1.
Bago pa po ang lahat, ano po ang gusto niyong gawin, bago niyo
nahiligan ang pagtuturo?
-Gusto ko maging Pulis o pumasok sa Militar, basta yung mga ganung
bagay.
2.
Gaano na po kayo katagal dito sa DLSZ?
-Mula pa noong
1995, so nasa 17 years na. 9 years akong nagturo sa Social Studies tapos naging
coordinator ako. Bumalik uli ako sa pagtuturo hanggang 2011. At ngayon admin
nanaman ako.
3.
Kung hindi social studies ang tinuturo niyo, anong pong asignatura ang
inyong ituturo?
-Siguro
English or Filipino. Mahilig din kasi ako sa Literatura. Wag lang Sipnayan
(math).
4.
Ano po ba ang nagustuhan niyo sa
pagiging isang guro? Paano ito nagsimula?
-Noong bata pa
ako, palagi kaming naglalaro nang ‘guro-guruan’. Bilang isa sa mga nakakatanda
sa iba, maimpluwensiya rin ako sa mga nakababata kong kamag-anak.
5.
Nagkaroon po ba kayo ng mga suliranin noong baguhan pa kayo sa
pag-tuturo?
-Oo. Dahil
noong una kong taon ng pagtuturo, grade 6 ang tinuturuan ko. Gusto ko na
talagang sumuko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na “sana March na!” eh noong panahon na iyon, eh June
palang! Isa pang suliranin, ay noong naging coordinator ako sa unang
pagkakataon. Ibang papel na ang hinahawakan ko. Nahirapan talaga ako. Isa pa,
ang mga kasama kong coordinators, halos lahat ay matatanda na! Isang malaking
“adjustment” ang kailanang kong gawin.
6.
Ms, ano po ang reaksyon niyo noong sinabihan kayo na magiging
“Assistant to the Principal” kayo?
-Noong una,
ang sagot ko talaga ay “No”. Dahil isang malaking pag-subok ito. Kung nahirapan
na nga ako noong coordinator ako, paano pa kayo itong bagong hamon? Pero
kailangan din dahil ito ay para sa aprobetso o kabutihan ng iba. At
nagpasalamat din ako dahil magkakaroon nanaman ako ng bagong mga karanasan.
7.
Ano pa po ang balak niyo pagkatapos ng mahabang panahon ng pagtuturo,
at ngayon Assistant to the Principal na kayo?
-Gusto kong
bumalik sa silid aralan. Gusto kong magturo, iyon ang simbuyo ng aking damdamin
(passion). Pero maligaya ako sa aking trabaho ngayon, itatrato ko itong
“trabahong paglilingkod sa Diyos”. Kahit nahihirapan ako, palagi akong
sinasabihan na, “as long as you did your best in serving others, okay na yan”.
8.
Ano po ang mga aral ninyong napulot sa buhay na gusto niyong ibahagi o
ipasabi sa iba?
-“Wag mong
yakapin ang hindi mo kaya”
-“Live within
your means”
-Kung tungkol
sa pagiging “admin” ko, marami rin akong natutunan.“I learned how to be
diplomatic, to be a servant. Don’t waste your time; kada Segundo ay mahalaga
dahil ito ang makakatulong para may mapatunayan ka sa iba. I also learned how
to pray. Lastly, nandito ako ngayon sa posisyon ko, hindi para
makipagkompetensiya. Nandito ako para makatulong sa iba.
9.
Ms, pwede niyo pa ba kami kwentuhan tungkol sa love life niyo?
-Oo naman. Ang
aking asawa ay isa ring guro. Nagkakilala kami sa kolehiyo. Noong nagtapos kami
sa pag-aaral, nag kanya-kanya kami. Isang araw, nagpadala siya sa akin ng card.
Ito ang nakasulat: “We will meet again in 10 years”. Noong una, nagduda ako dahil parang napaka
imposible naming magkita uli kami pagkatapos ng ganung napaka habang panahon.
Pero ayun, nagkita nga kami muli. Nagkita kami pagkatapos ng 10 years dito sa
Zobel. At magsasama na kami habang buhay. Ngayon May dalawa na kaming anak, isang lalaki
at isang babae. At nagpapasalamat na ako sa lahat ng meron ako ngayon. J
Nakakuha kami ng marka na 18/20. Marami kaming natutunan tungkol kay Ginang Resma at sa mga nangyari sa Zobel mula nang naitayo ito.
Nakakuha kami ng marka na 18/20. Marami kaming natutunan tungkol kay Ginang Resma at sa mga nangyari sa Zobel mula nang naitayo ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)