
Nagkaroon kami ng isang gawain na kung saan kailangan naming makipanayam ang isang tao na nagtatrabaho sa Zobel. Nung una, ang
Secretary of the Assistant Principal na si Bb. Dian Karen Gonzales ang aming kapanayam, pero pagkadating sa kanilang opisina, wala siya. Biglang dumating ang
Assistant to the Principal na si Ginang Nancy Resma. Tinanong namin siya kung pwede namin siya maging kinakapanayam namin. Pinayagan niya kami at ito ang naging usapan namin:
1.
Bago pa po ang lahat, ano po ang gusto niyong gawin, bago niyo
nahiligan ang pagtuturo?
-Gusto ko maging Pulis o pumasok sa Militar, basta yung mga ganung
bagay.
2.
Gaano na po kayo katagal dito sa DLSZ?
-Mula pa noong
1995, so nasa 17 years na. 9 years akong nagturo sa Social Studies tapos naging
coordinator ako. Bumalik uli ako sa pagtuturo hanggang 2011. At ngayon admin
nanaman ako.
3.
Kung hindi social studies ang tinuturo niyo, anong pong asignatura ang
inyong ituturo?
-Siguro
English or Filipino. Mahilig din kasi ako sa Literatura. Wag lang Sipnayan
(math).
4.
Ano po ba ang nagustuhan niyo sa
pagiging isang guro? Paano ito nagsimula?
-Noong bata pa
ako, palagi kaming naglalaro nang ‘guro-guruan’. Bilang isa sa mga nakakatanda
sa iba, maimpluwensiya rin ako sa mga nakababata kong kamag-anak.
5.
Nagkaroon po ba kayo ng mga suliranin noong baguhan pa kayo sa
pag-tuturo?
-Oo. Dahil
noong una kong taon ng pagtuturo, grade 6 ang tinuturuan ko. Gusto ko na
talagang sumuko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na “sana March na!” eh noong panahon na iyon, eh June
palang! Isa pang suliranin, ay noong naging coordinator ako sa unang
pagkakataon. Ibang papel na ang hinahawakan ko. Nahirapan talaga ako. Isa pa,
ang mga kasama kong coordinators, halos lahat ay matatanda na! Isang malaking
“adjustment” ang kailanang kong gawin.
6.
Ms, ano po ang reaksyon niyo noong sinabihan kayo na magiging
“Assistant to the Principal” kayo?
-Noong una,
ang sagot ko talaga ay “No”. Dahil isang malaking pag-subok ito. Kung nahirapan
na nga ako noong coordinator ako, paano pa kayo itong bagong hamon? Pero
kailangan din dahil ito ay para sa aprobetso o kabutihan ng iba. At
nagpasalamat din ako dahil magkakaroon nanaman ako ng bagong mga karanasan.
7.
Ano pa po ang balak niyo pagkatapos ng mahabang panahon ng pagtuturo,
at ngayon Assistant to the Principal na kayo?
-Gusto kong
bumalik sa silid aralan. Gusto kong magturo, iyon ang simbuyo ng aking damdamin
(passion). Pero maligaya ako sa aking trabaho ngayon, itatrato ko itong
“trabahong paglilingkod sa Diyos”. Kahit nahihirapan ako, palagi akong
sinasabihan na, “as long as you did your best in serving others, okay na yan”.
8.
Ano po ang mga aral ninyong napulot sa buhay na gusto niyong ibahagi o
ipasabi sa iba?
-“Wag mong
yakapin ang hindi mo kaya”
-“Live within
your means”
-Kung tungkol
sa pagiging “admin” ko, marami rin akong natutunan.“I learned how to be
diplomatic, to be a servant. Don’t waste your time; kada Segundo ay mahalaga
dahil ito ang makakatulong para may mapatunayan ka sa iba. I also learned how
to pray. Lastly, nandito ako ngayon sa posisyon ko, hindi para
makipagkompetensiya. Nandito ako para makatulong sa iba.
9.
Ms, pwede niyo pa ba kami kwentuhan tungkol sa love life niyo?
-Oo naman. Ang
aking asawa ay isa ring guro. Nagkakilala kami sa kolehiyo. Noong nagtapos kami
sa pag-aaral, nag kanya-kanya kami. Isang araw, nagpadala siya sa akin ng card.
Ito ang nakasulat: “We will meet again in 10 years”. Noong una, nagduda ako dahil parang napaka
imposible naming magkita uli kami pagkatapos ng ganung napaka habang panahon.
Pero ayun, nagkita nga kami muli. Nagkita kami pagkatapos ng 10 years dito sa
Zobel. At magsasama na kami habang buhay. Ngayon May dalawa na kaming anak, isang lalaki
at isang babae. At nagpapasalamat na ako sa lahat ng meron ako ngayon. J
Nakakuha kami ng marka na 18/20. Marami kaming natutunan tungkol kay Ginang Resma at sa mga nangyari sa Zobel mula nang naitayo ito.